Napaupo ako sa kama at sinuklay ang buhok gamit ang kamay ko. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makatulog dahil sa sinabi ni Cath. Napatingin ako sa paligid, napakadilim. Hindi ako sanay na bukas ang ilaw kapag natutulog kaya sinadya kong patayin ang ilaw. Kinapa ko ang lampara sa bedside table at binuksan 'yon, kaya nagkaroon ng bahagyang liwanag. Muli akong humiga sa kama at nag-isip, pero hindi rin nakatulong ang pag-iisip ko dahil mas lalo lang akong nagising. Kaya tumayo ako at pumunta sa kitchen para sana uminom ng tubig pero biglang may kumatok. Nagsitayuan agad ang balahibo ko. Why would someone knock and visit me in midnight? Hindi ko na lang 'yon pinansin pero napaigtad ako nang muling kumatok. Kaya marahan akong lumapit sa pinto at napabuntong hininga. Paano kung masamang loob

