Third Person's POV Pinapanood ng lahat ang nangyayari sa loob ng Arena. Si Hunter ay nakatutok ang mata sa screen kung saan ipinapakita si Althea na ika-ika maglakad dahil sa mga natamo nitong sugat. Hanga siya sa dalaga dahil halata sa mga mata nito ang determinasyon na mahanap ang kagrupo. Saksi siya sa pinagdaanan ni Althea kaya masasabi niyang matatag ito at matapang. Pero napatayo siya nang makitang bumagsak sa lupa ang dalaga at hirap itong makatayo. "s**t! Anong nangyayari?!" sigaw niya. Nilingon siya ng lahat pero wala siyang pakialam. Nakakunot ang noo niya habang pinagmamasdan ang dalaga na nanghihina na. "Hunter, calm down. Hindi ka rin naman maririnig ni Althea. So, sit down." Hinawakan ni Rica ang braso niya at pilit siyang hinihila paupo pero tinabig niya lang 'yon dahil

