"Aray!" Malakas na ang hiyaw nito kaya naman bumitiw na si Candice sa pagkagat dito.
Hinihimas nito ang braso habang masamang nakatingin sa kanya.
" Alam kong masarap ako, pero wala kang karapatan na kagatin ako! " singhal nito sa kanya.
Hindi na lamang inintindi ni Candice ang kaberdehan na lumabas sa bibig nito, kunwari na lamang hindi niya naintindihan iyon.
" Sinundan mo ba ako dito?" Tinaasan niya ito ng kilay, ang kulit kasi , hindi naman talaga siya pwede ngayong araw dahil may trabaho siya, tiyak naman na kapag libre na siya, libre rin ito. Hawak nito ang sariling oras, hindi kagaya nya.
"Kapal ng mukha, asa naman na ikaw pinunta ko dito." Galit itong tumalikod. Naiwan pa si Candice roon na malalim ang iniisip .Simula ng maging kaklase niya ang Ren Romualdez na ito, umapaw na ang kanyang stress sa katawan, madali lamang sa kanya ang mga pag-aaral, kayabangan lamang talaga nito ang nagpapakumplikado sa bagay bagay.
Mababait ang kanyang mga nagiging kaklase, ito lang talaga ang nasilat na may kademonyohan sa katawan. Paano niya ba papatawarin ang panghahamak nito sa kanyang kahirapan? Na isa lamang siyang iskolar at pera nito ang nagpapaaral sa kanya? Pagalitan siya dahil sa pagnanakaw kuno ng kuryente sa school, madalas kasing nakakatulugan niya na lowbat ang kanyang phone, kaya sa school na lamang siya nakakapagcharge.
Big deal yun para kay Ren, paborito siyang asarin nito. Hindi niya nga maintindinhan, sinubukan niya rin mag pa change sched, yun lamang di maganda ang oras. Kaya no choice, tiis- tiis kasama ang masakit sa ulo na si Ren.
Minsan naisip niya kung may gusto kaya ito sa kanya? Parang ganoon kasi ang dating, pero nang makita na kung sino ang kasama ni Ren sa table.
Nagising siya sa katotohan.
"Tsk, bakit ko ba naisip na may gusto sa akin yung bugok na 'yun?" Mahinang bulong niya.
"Sinong bugok?"Nagulat si Candice sa pagsulpot ng kapwa crew na si Michelle sa kanyang gilid.
" Wala" hindi na lamang ito sinagot at pumunta sa kanyang pwesto. Cashier sya ngayon, rotation kasi. Hinanda niya na ang kanyang ngiti, iniiwasan niya na mapadako sa mayabang na si Ren ang kanyang mga mata, dahil baka mag mukhang peke ang kanyang mga ngiti kapag nakita niya ito.
Kung sabagay , hindi naman siya makikita nito ngayon dahil kasama nito sa Eunice, lahat ng nag-aaral sa kanilang university, alam na may something si Ren dito. Maganda naman kasi talaga si Eunice, na kahit babae siya , hindi niya mapigil na humanga dito.
Pero hindi siya tomboy o anuman, .humahanga lamang at naiinggit na rin.
Kahit kasi ulila na itoo, maraming , nagmamahal , napaka -swerte.
***
"Are you listening?"
Bumaling ang tingin ni Ren kay Eunice, kanina pa pala ito nagsasalita sa kanyang harapan. Hindi niya maintindihan kung bakit ang napapadpad na naman ang mga mata niya kay Darnang Flat na nagpapacute na naman sa mga customer.
"Sorry, may naisip lamang ako." He should be happy right now, lalo na at si Eunice mismo ang nang-imbita sa kanya.
"Don't worry about Ran, alam mo naman na ganoon lamang siya. I know she will be happy if you attend our birthday." pagtatanggol ni Ren sa kapatid. Natatakot kasi si Eunice na pumunta sa debut ni Ran, hindi alam ni Ran na malaki ang takot ni Eunice dito. Tingin pa lamang ng kanyang kakambal, nanginginig na ito. Tahimik lamang ito at hindi alam kung paano magpapasalamat sa kanilang pamilya.
The supposed to be enemy pero itinuring na anak?
Wala na sigurong babait pa sa kanyang mga magulang.
"Do you think? Tayo pa ba ang maglolokohan Ren? Your sister hated me the moment I stepped in your house."
He wanted to add that on that same day, he treated her more than special.
" Well she will hate most of the guest more. " napatawa siya sa sariling biro. Tumawa na rin ito. Mas lalo talaga itong gumaganda pag ngumingiti, litaw kasi ang features na naman sa banyagang ama nito. Alam ni Ren na maganda rin ang mommy nito. He had seen her picture, gusto niyang makita kung saan nagmula si Eunice, at isa pa ang makita rin ang histura ng babae na minsang pinagpalit ng kanyang daddy sa kanyang honey.
Pero syempre, ang honey niya pa rin ang pinakamaganda sa lahat. Hindi pa niya o hindi na siguro siya makakakita ng hihigit sa kanyang honey.
"Can i bring Dion?" Nag-aalangan na tanong nito. Napahinto tuloy si Ren sa pag-inom ng kanyang kape.
Okay na sana.
Hanggang sa sumali sa kanilang usapan ang pangalan ng isang unggoy.
"Ikaw ang bahala." Wala sa loob na sabi ni Ren, masakit pa rin, kahit hindi pa man opisyal, alam niyang doon papunta ang dalawa.
Ito ang pinili ng kanyang Eunice.
Ito ang mahal ng kanyang Eunice.
Ito ang gustong kasama ni Eunice na kahit kailaman hindi naging sa kanya.
" Thanks Ren, " bumukas ang pinto at narinig niya ang masayang bati ni Candice, napasibangot doon, pero mas lalong sumama ang kanyang loob ng mapagtanto kung sino ang pumasok.
Si Dion.
Si Dion na makabagong unggoy na nakasalamin.
" Hi Eunice." naghawak kamay ang dalawa na nasa kanyang harapan.
Ang hirap tumingin. Nasa kanya ang lahat ng kayamanan, pero ang babae sa kanyang harapan hindi niya makuha.
"Let's go?" Yaya ni Dion kay Eunice, mapagpaumanhin itong tumingin sa kanya.
"Ren? We'll go ahead."
"Sure" plastic siyang ngumiti sa mga ito. Pwede pa rin naman siyang mang-agaw, kaya lang hindi niya kaya na makitang malungkot si Eunice.
He promised to her when they were kids that he will make her happy. Si Dion ang nagpapasaya dito, mabait naman ito, hindi gwapo.
Mabait lang.
Kung masama sana ang ugali nito, madaling kalabanin, madaling apakan.
Pero damn.
Mabait ito.
Bagay na hindi siya.
***
Napatingin si Candice sa table ni Ren ng makita nyang umalis si Eunice kasama yung Dion, nawala ang ngiti sa labi ni Ren.
Bigla naman siyang nakaramdam ng awa para rito.
Naiintindihan niya na ito kahit kaunti.
Konti lang talaga.
Dahil hindi niya masisikmura ang sama ng ugali nito.
Napatingin ito sa kanyang gawi, bumalik na naman ang mapagbanta at mayabang nitong tingin. Tumayo ito at umalis na rin.
"Tss" narinig nya na naman ang tawa ni Michelle kaya nilingon niya ito.
"Masyadong obvious na gusto mo yung gwapo na 'yun" para siyang binuhusan ng suka sa sinabi nito. Agad siyang dumipensa.
"Okay ka lang?Sobrang yabang at sama ng ugali noon, magugustuhan ko? Kadiri ka Mich!" Napatawa ito sa kanyang outburst.
"Hahaha! Ikaw rin, minsan yung mga salitang nailuwa mo na, hindi mo akalain na pupulutin mo rin pala para kainin ulit." Sabi nito bago umalis.
Nakuha niya ang ibig nitong sabihin.
Ayaw niya lamang intindihin.
Mali at mahirap na magkagusto sa isang katulad ni Ren.
Mayaman.
Gwapo.
At higit sa lahat may mahal na iba.
Kung handa kang masaktan.
Sisige ka.
Pero para sa kagaya niya na araw- araw kumakain ng masasakit na salita, hindi na niya na pipiliin na tumanggap na naman ng panibagong sakit.
Ren Romualdez.
No.
Never.
Pagkauwi niya sa bahay, sinalubong siya ng mga kalat sa living room. Binaba niya ang kanyang gamit para pulutin at ligpitin ang mga iyon. It's ten in the evening pero kailangan niya pa ring kumilos.
Itinabi niya ang mga dolls nina Bea at Britney, pati na rin ang mga baril at toys cars ni Justin, mga pamangkin niya ,mga anak ng kanyang ate Joana.
Matapos yun, nagpunta siya sa kwarto para magpalit..ngayon ang araw ng kanyang laba kaya naman nagpunta siya sa likod para maglaba. Hindi niya alintana ang oras ng pagtulog. Sanay na rin ang katawan niya na maraming ginagawa.
"Ikaw na pala yan." Napalingon siya sa kanyang ate, mukhang nagising lamang ito para tignan kung nagawa niya ang mga dapat gawin.
"Ate?"
"Yung uniform ng tatlo, planstahin mo bago ka matulog."
"Yes ate. " tumalikod na ito, wala man lang siyang narinig na kung anong tanong tungkol sa nangyari sa kanyang araw.
Sabi sa kasabihan, magloko ka na sa lasing wag lang sa bagong gising,pero sa kanyang ate, hindi yun akma.
Araw araw, gabi gabi itong galit sa kanya.
Sa bagay, paano mo nga naman magugustuhan ang bunga ng pagtataksil ng iyong ama?
Paano mo tatratuhin ang batang dahilan kung bakit nasira ang iyong magandang fairy tale?
Paano mo siya tatratuhin sa bawat araw?
Hindi na nagtataka si Candice, siya ang bunga ng kasalanan na iyon.
Kaya iniintindi niya ang kanyang ate at ang lahat ng tao na naapektuhan sa kanyang pasulpot.
Marami nga siyang kamag-anak, pero wala roon ang nagpaparamdam na mahalaga siya.
Nakakainggit.
Nakakainggit talaga si Eunice.