"Boss, may gustong kumausap sa iyo," sambit ni Chris na kararating lang. Umarko ang kilay ni Zeus nang lingunin niya si Chris. Bahagya siyang nagulat nang makita ang lalaking kasama ni Chris. Kilala niya kasi ang mga ito. Ashton? Andrei? Anong ginagawa ng dalawang 'to dito? "Maiwan ko muna kayo boss. Diyan lang ako sa labas," sambit ni Chris sabay kindat. Tumango lang si Zeus at saka bumaling sa dalawang lalaking nasa harapan niya. Seryoso ang mga mukha nitong nakatingin sa kaniya. "Anong kailangan niyo sa akin? Bakit gusto niyo akong makausap? Hindi ba't tauhan ng mortal kong kaaway ang kapatid mo?" Panunukoy ni Zeus kay Ashton. Marahang tumango si Ashton. "Oo. Pero wala na ang kapatid ko. Pinatay na siya nang dahil lang sa nagkamali siya. Pumalpak siya sa utos na pinapagawa sa kani

