Kiss HINDI pa sumisikat ang araw ay bumangon na ako at inayos ang pinaghigaan ko. Nang sulyapan ko ang orasan ay wala pa palang tatlong oras ang naitulog ko buti na lang at nabawi ko ‘yon kahapon. Dumiretso ako sa banyo at napatitig muli sa sarili nang matapos akong maghilamos. Maga ang mga mata ko at pulang-pula ang ilong ko. “Ang panget ko…” Napapabuntonghininga na pagkausap ko sa sarili. “May katapusan pa ba ang pagluha ko?” Pumikit ako at nagbilang ng sampu sa isipan ko. Walang mangyayari kung puro iyak na lang ang gagawin ko. Kailangan kong kumilos, ano ngayon kung may girlfriend na si Alas? Sa mata ng batas, kasal kami. Akin siya. Paglabas ko ay nakita kong umiilaw ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon. Wala pang alas-singko pero tumatawag na si Thomas. “Hello?” “I knew it

