Stay “Sshhh, stop crying. I’m sorry, I didn’t mean to shout at you. What happened? Ilang oras ka na naming pinaghahanap.” Marahang hinawakan ni Alas ang balikat ko at inilayo ako sa kanya. Walang patid ang pagtulo ng mga luha ko habang nakatingin sa kanya. Inakala ko kaninang hindi na kami magkikita pa. Malalim siyang bumuntonghininga at pinunasan ang mukha ko gamit ang panyo niya. “Are you okay?” Umiling ako dahil iyon ang totoo. Hanggang ngayon hindi mawala-wala ang takot sa puso ko. Bumaba ang tingin niya sa kamay kong may benda at hinawakan iyon. “Sancho?” Tila doon lang napansin ni Alas ang presensya ng mga tumulong sa akin at saka pa lang niya nilingon si Ruth na mukhang kilala si Alas. Ganoon din ang kasama niyang si Robbie. Napatayo si Alas at pinagpalit ang tingin sa d

