“Uuwi na ako boy's 10:30 na pala maaga pa ako bukas," paalam ko sa kanila.
“Hatid ka na namin. Pauwi na rin kami."-Dark
“Huwag na, kaya ko na mag enjoy na lang kayo rito."
“Ako na ang maghahatid sa kaniya," singit ni Franz.
“Bhabe 'no! Iiwan mo ako rito?" hestirical na sabi ni Beatrice.
“Hindi kita kasama papunta rito di ba?"
“Franz naman eh, ipagpapalit mo ako sa babaeng 'yan?"
“Babaeng mas maganda pa sa'yo Beatrice. Pang-aasar ko sa kaniya. Let's go Mine!" sabay kindat ko kay Beatrice na lalo niyang ikina inis.
“Mine pala ha? I like it tho. Iyan na ang itatawag ko sa'yo," at ito naman ang kumindat sa akin.
“Tara na nga dami mong alam."
Habang naglalakad kami ni Franz pauwi may napansin akong nagmamasid sa amin. Alam kong kalaban ito dahil malakas ang pakiramdam ko.
Pero impossible nasa probinsya sila at tahimik ang buhay nila rito.
Franz POV
Alam kong may nakasunod sa amin ni Pia. Nararamdaman ko sila kanina pa doon sa plaza pero hindi lang ako nagpahalata. Nang magpaalam si Pia na umuwi hindi ako nagdalawang isip na ihatid siya.
Pia is mine, wala na akong balak pakawalan siya dahil ngayon ko lang naramdaman ito sa lahat ng babaeng nakilala ko.
Alam kong mapapahamak siya sa dahil Isa akong Mafia pero anong magagawa ko ngayon lang tumibok ang puso ko.
Ang masaklap pa, uuwi na siya bukas pabalik ng Manila. Hindi ko pa siya mababantayan doon lalo na at alam nila na si Pia ang kasama ko rito.
Hindi madaling hanapin si Pia sa Manila dahil marami akong koneksyon lalo na at kilala siyang napakasikat na Modelo.
Bahala na, pababantayan ko muna siya pansamantala sa mga tauhan ko sa Manila.
“Mine bukas na talaga ang uwi mo?"
“Maka mine ka wagas ah. Inaasar ko lang naman si Beatrice eh. Pero sige pagbibigyan kita ngayon total last na natin itong pagkikita."
Pagkasabi ko kay Franz ng gano'ng bigla na lang ako nitong hinablot paglapit sa kaniya kaya sobrang magkadikit ang mga katawan namin.
“I told you, you are mine. Hindi ko na babawiin 'yon at kapag may nagtangkang lumapit sa'yo papatayin. Sabi nito sabay haplos sa pisgi ko at halik sa labi ko. Beside's madali ka lang hanapin sa Manila kaya magkikita pa rin tayo.
“Hoy Franz, nakadalawa ka na sa kahahalik sa akin ah, sumosobra ka na 'ata." angal ko rito na hindi naman nito pinansin.
“Franz dalian na natin, inaantok na ako."
Pero ang totoo dahil kinakabahan ako. Hindi ako
kakabahan kong ako lang pero natatakot ako baka madamay pati si Franz.
Pagdating namin sa bahay, pinaalis ko na ka agad si Franz. Pagtalikod ni Franz sumunod ako sa kaniya na hindi niya alam. Gusto ko lang makasigurado na ligtas siya dahil hindi rin ako matatahimik.
Hindi nga ako nagkamali dahil may dalawang lalake na naka-abang rito ngunit bago pa nakalapit ang mga ito kay Franz, binato ko na sila ng katana na lason ang dulo.
So si Franz talaga ang sinadya nila rito. Bakit may kalaban si Franz? Sino ka ba talaga Franz? Sa itsura at kilos mo alam kong hindi ka simpleng negosyante lang.
Nakarating na sa wakas si Franz sa kanila kaya umuwi na rin ako para makapagpahinga na.
Kinabukasan maaga akong nagising para hindi ako mahuli sa aking flight. Naligo na ako at nakabihis na. Ibinaba ko na ang mga bagahe ko.
Nakakabitin ang bakasyon ko pero sisiguraduhin ko na babalik ako at mas hahabaan ko pa ang bakasyon ko.
“Pia, bumaba ka na rito at nang makapag-almusal ka na." sigaw ni Nanay Sali sa akin.
“Opo pababa na!"
“Ate babalik ka pa po ba rito?" malungkot na sabi ni Mina.
“Oo naman. Next time na babalik ako rito hahabaan ko na ang pagbabakasyon ko para hindi ako mabibitin."
“Aasahan ko po 'yan Ate. Mamimiss po kita. Mag-iingat ka po palagi."
“Tatawag ako every day at mag vi-video call tayo."
“Eh Ate wala namang camera ang cellphone ko eh kaya tawag na lang po."
“Dont worry mag-iiwan ako ng pera para bumili ka na nag bagong cellphone."
“Naku Iha, nakakahiya naman," singit ni Nay Sali sa usapan.
“Oo nga po Ate. Nakakahiya naman po."
“Akala ko ba Ate mo na ako at kapatid na kita Mina? Bakit ka pa mahihiya? I insist okay?"
“Samahan mo na lang po si Mina Nay sa pagbili ng cellphone. Sana pala ibinilin ko na siya, nawala rin kasi sa isip ko."
“Sige na nga! Ikaw talaga na bata ka kahit kailan Hindi ako nananalo sa'yo. Kapag gusto mo hindi puwedeng suwayin."
“Sige na po at baka ako'y mahuli na."
“Bye Ate," Paalam ni Mina sabay yakap sa akin.
“Take care okay! And take good care of Nay Sali for me dahil Ikaw ang nasa tabi niya."
“Opo Ate ako po ang bahala kay Lola."
Tayo na sana ako ng biglang may kumatok sa pintuan.
“Sino kaya 'yan ki aga-aga? Silipin ko muna."
Pagbukas ni Nay Sali sa pintuan nagulat na lang ako at natuwa dahil mga kaibigan ko mga dumating.
“Oh My God! Kaya pala hindi ko kayo ma contact may balak pala kayong I surprise ako." sabay yakap at halik ko sa kanila.
“Bakit Ikaw lang ang may karapatang magbakasyon?" pagtataray ni Fritzie.
“Oh hi dear! Ikaw si Mina right? Kami 'yong nakausap mo sa cellphone."
Pero si Mina ay nakatulala lang at hindi maka galaw kaya tinapik ko ito.
“Are you okay Mina?"
“So-sorry po, akala ko po kasi mga fairies po kayo. Ang gaganda niyo po."
“Kaya we like you eh, nagsasabi ka kasi ng totoo." sabi ni Via sabay flip ng kaniyang buhok.
“Hello Nay Sali did you remember us po?" tanong naman ni Mau.
“Paano ko kayo makakalimutan eh simula maliit pa kayo eh ko na ang nagbabantay sa inyo kapag tumatambay kayo sa bahay."
“Oo nga pala," natatawang sabi naman ni Cassy.
“We miss you Nay," Sabay na sabi nila at yumakap kay Nanay.
“Pagpasyensyahan niyo na itong munting bahay ko mga Anak."
“Okay lang po Nay. Ang fresh nga eh," sagot ni Via.
“Hala sige pumunta na tayo ng kusina ng makapag almusal na kayo."
“Opo," sabay na sabi nila.
“Magbabakasyon din ba kayo rito mga Anak?" tanong ni Nay Sali sa mga kaibigan ko.
“Opo Nay," sagot ni Mau na nakatingin sa akin at alam ko ang tingin na iyon.
Alam kong hindi lang simpleng bakasyon ang ipinunta nila rito at alam kong seryoso ito dahil sama-sama kaming ipinadala rito.