Dumating ako sa bahay ng alas 8 nang gabi pero pagkapasok ko nagulat na lang ako dahil nasa Sala ang lahat at halatang may hinihintay.
“Explain Princess!" bungad sa akin ni Dad.
“Hindi niyo man lang ba ako papakainin mo na? I'm hungry na eh." pagmamakaawa ko sa kanila.
“Fine! Kumain ka mo na roon bago ko makurot ang singit mo." sabi naman ni Mommy na halatang naiinip na.
Pagkatapos kong kumain bumalik ako sa Sala at nagpaliwanag sa kanila.
“Dad, Mom, I'am an Agent's together with my friends." kinakabahan kong sabi sa kanila.
“We know that already since then. Ang gusto kong I explain mo ang tungkol sa magiging byanan mo. Magkaka Apo na ba kami ng Daddy mo? Kailan ang kasal? Saan gaganapin ang kasal? Ipakilala——." pinutol ko na ang sasabihin ni Mom dahil masyado akong na shock sa mga pinagsasasabi niya.
“Mom! Nay Sali?" yon lang ang lumabas sa bibig ko.
“Hindi ako Anak kun'di si Mina na madaldal."
“Peace tayo Ate ganda na excite lang po kasi ako mag kuwento."
“May magagawa pa ba ako sa kadaldalan mo?" sabi ko kay Mina na ikinatawa naman nila.
“Tika nga pala Mom, you know na Agent ako all the way?"
“Yup! Curious kami ni Daddy mo kasi lagi kang wala so pinasundan ka namin at may nagrereport sa amin everytime na nasa labanan ka." pabalewalang sabi ni Mommy sa akin.
“Dad?"
“What? Si Mommy mo ang may sabi sumusunod lang ako sa kaniya."
“Hindi kayo galit sa akin?"
“Why? Proud kami sa'yo Anak. Sabi nga ng hired assassin na kinuha namin, hindi mo na kailangan ng bantay dahil mas magaling ka pa sa kanila ng triple so we decided na pabayaan ka na." sabi ni Daddy.
“But Anak please naman medyo matagal tagal ka na diyan sa work mo na 'yan tapos nag mo-model ka pa, tapos may business ka pa, paano mo kami mabigyan ng maraming Apo?" reklamo naman ni Mommy na sa tuwing uuwi ako ganiyan lagi ang inuungot.
Hindi ko na alam ang isasagot ko kay Mom kaya napakamot na lang ako sa ulo. Anong magagawa ko walang nanliligaw sa akin.
“Huwag kasi masyadong pihikan Anak! Lahat ng lumalapit sa'yo tinatakot mo!"
“Kasalanan ko ba Mom na mga duwag sila?"
“Pia!"
“What Mom? It's not my fault kaya."
“Fine! So sino si Franz?"
“For sure nag kuwento na si Mina at 'Nay Sali sa inyo. Akyat na po ako maaga pa bukas balik ko sa Baybay."
Akala ko pipigilan pa ako ni Mommy na umakyat sa kuwarto pero nagkamali pala ako.
“Okay Honey, sabihin mo kay Franz na buntisin ka na nang magka Apo na kami. Matulog ka na para fresh ang beauty mo pagdating sa Baybay."
Napanganga na lang ako kay Mommy like
"seriously? Nanay ko ba talaga 'to?". Hindi man lang inalam ang background or tinanong sa akin kong guwapo ba ito? May magandang trabaho ba ito? Mabait ba ito?.
“Mom Ikaw na lang ang magpa buntis kay Dad ng tumahimik ka na!" lakas loob kong sigaw kay Mommy dahil malayo na ako sa tabi niya at baka makurot ako sa singit.
“Lagi kaming nag se-s*x ni Daddy mo pero baog na ang Daddy mo Anak at wala na talagang pag-asa." ganting sigaw ni Mom sa akin.
“Mom! May bata kaya sa tabi mo."
“Hoy ako tigil tigalan mo! Ikaw itong menopause na tapos aki ang sisisihin mo?" sabi naman ni Daddy kay Mommy.
Bahala kayo diyan. Dios ko binigyan ako ng magulang na mga abnormal kaya siguro hindi rin ako normal eh. ( Kaya 'wag na magtaka kong bakit ako ganito may pinag manahan lang )
Pagkatapos kong maligo pinatuyo ko lang ang buhok ko bago matulog.
Alas 4am pa lang gising na ako. 5:30 ang alis namin para maaga akong makarating sa Baybay.
Pagkababa ko sa kusina gising na rin pala si 'Nay Sali at Mommy dahil may outing daw sila.
“Masaya kaming nag-aalmusal ng may tumatawag sa cellphone ko. Si Franz? Ang aga naman nitong nagising.
“Sino 'yan Anak? Bakit ayaw mong sagutin ang tawag?"
“Si Franz lang po, pabayaan niyo siya." sa sinabi kong iyon, inagaw sa akin ang cellphone ng magaling kong Nanay at sinagot ito. Hindi pa na contento ni loudspeaker pa.
“Were that hell are you Mine at hanggang ngayon wala ka parin sa bahay? Hindi ako nakatulog sa kakahintay sa'yo ni hindi ka man lang nagpaalam sa akin o kahit sa mga kaibigan mo. Parang kang bata na hindi nag-iisip." galit na sabi nito ng deritso sa akin na hindi alintana na may nakikinig na mga tsismosa sa tabi ko.
“Bakit sinabi ko bang hintayin mo ako at 'wag kang matulog magdamag? Hoy fyi lang ha hindi kita magulang para magpaalam sa'yo!" sagot ko kay Franz na ikinagulat ko naman dahil binatukan ako ng malakas ng magaling kong Ina.
“Pasensyahan mo na ang Anak ko Iho ha, panget talaga ugali ng babae na 'to kaya habaan mo ang pasyensya mo sa girlfriend mo. By the way ako ang Mommy niya at 'andito siya sa Manila pero pabalik na siya ngayon diyan. Tsaka Iho gusto ko pagbalik ng Anak ko bu——."
Inagaw ko na ang cellphone kay Mommy dahil iba na naman ang lumalabas sa bibig nito sabay pindot sa end bottom.
“Para kang walang manners Anak! Nakita mong kausap ko ang boyfriend mo eh. Sama na lang kaya ako sa'yo sa Baybay para makilala ko siya? What do think Anak?"
“Aalis na ako Mom, Bye!" sabay takbo ko palabas.
“Anak kinakausap pa kita!" sigaw nito sa akin.
“I love you Mom!"
Ang kulit ng Nanay ko 'di ka mananalo sa kaniya.
Pagpunta ko sa office dumeritso na ako sa rooftop dahil 'andoon na raw ang piloto.
“Good Morning po Ma'am Pia!" bati nito sa akin na tinanguan ko lang.
Pagdating ko sa Mansion sinalubong ako ng maraming tanong ng mga kasama ko sa bahay pati na rin ang mga kaibigan ko.
“Isang araw lang akong nawala pero kong makatanong kayo parang isang taon akong 'di niyo nakita ah."
“Bakit ba kasi hindi ka nagpaalam?" tanong ni Via sa akin na nakapamaywang
“Hinatid ko lang si 'Nay Sali at Mina sa Manila dahil kailangan ni Mommy ng kasama sa bahay pansamantala." alibi ko sa mga ito pero alam ko na alam ng mga kaibigan ko ang tunay na dahilan ofcourse pati si Tita at Tito alam ang tunay na dahilan ko.
“Akyat mo na ako guy's, pahinga lang ako ng konti napagod ako." paalam ko sa kanila. Magsasalita pa sana si Franz pero pinutol ko ito.
“Mamaya na Mine, okay! I'm really tired." sabay talikod ko sa kanila.