YUKI Hindi ko alam kung anong nangyari, basta bigla na lang akong gumising na nanlalamig si Claude. Noong umpisa, iniisip ko na nagiging abala siya pero habang tumatagal pakiramdam ko umiiwas na siya. Huminga ako nang malalim at pilit tinitimbang ang mga messages niya. Bigla rin na hindi niya ako gustong kausap on call, or even video chat ay pinalalagpas niya na. Nawala na rin iyong pagiging seloso niya at pakiramdam ko bigla akong naiwanan sa ere. Nagiging mabigat sa ‘kin dahil kailangan kong mag practice sa singing contest pero nahihirapan akong mag-concentrate dahil ganito siya sa ‘kin, iyong wala man lang bang pasabi? Wala man lang paliwanagan… Pero sinusubukan kong maghintay at maging maunawain pero nasasagad na ‘ko. Palapit na nang palapit ang Live show, at alam ko na itong big

