Nang kami na lang dalawa ni Claude ang nasa kitchen ay gumawa ako sa pinggan ng hotdogs ng ilove you—sliced hotdog. Sa isang pinggan naman ay mga M&M na puso—assorted color. Mabuti na lang napicturan ko ‘yon bago dinakot ni Claude at kainin. “Napakabagal mong kumilos. Manood na tayo.” Aniya. Nauna na siya sa sala, kainis! Nasa sala na kami nang buksan niya ang T.V. “No Spongebob—” tila disappointed siya. “Wow, puro na lang si Spongebob, Claude?” “Why?” “Wala lang I wonder lang kung bakit gusto mo si Spongebob? Is it the story? Or is the character?” clueless na tanong ko. “Pero parang hindi naman dahil sa ugali ni Spongebob, tingin ko ayaw mo nang gano’n.” “If I don’t like his character then why did I choose you?” Nangunot ang noo ko. Bakit nasali ako? Nangiti siya. “What do y

