YUKI While cooking, I am also dreaming na magiging ganito kami ni Claude kapag mag-asawa na. Itong habang nagluluto ako ay naghahanda naman siya ng mga pinggan namin. Napansin ko na naman ang benda niya sa kamay. Nagbulag-bulagan na lamang muna ako. Isa sa dahilan ko sa pagpunta rito ay para personal siyang makausap tungkol sa sakit niya. Gusto ko siyang tulungan kahit medyo nag-aalangan ako dahil kilala ko si Claude na ayaw nang pinakikialamanan at aloof. Alam ko na minsan ko na siyang napaamo, at iniisip din ni Ruki na mas malaki ang tiyansa kong matulungan si Claude kompara sa kanila. “Here’s your sinigang na hipon!” sabi ko, “Mabuti na lang talaga at may naipadeliver kaming fresh hipon. Kumain kami at kinukulit ko siya, ginagawa ko siyang baby na hinihimayan pa, kumain daw a

