Si Ruki ang sumundo sa ‘kin, no’ng umalis ako kaninang umaga ay natutulog si Claude. I kissed his forehead before leaving. Mabuti na lang talaga at migraine na lang ang mayroon siya. Nawala na rin ang lagnat niya, siguro sinat na lang iyon. Nahihirapan siyang matulog kaya umalis na lang ako kesa gisingin siya’t magpaalam. Nasa biyahe na kami ni Ruki. “Nag social media ka ba?” “Nag post lang ako pero hindi ko rin na-check, iyon kasi ang bilin mo sa ‘kin din.” Tumango siya, “Yes, mas kailangan mo na mag focus sa sarili mo dahil makakasira lang sa concentration mo ang mga nasa social media.” Masyadong seryoso si Ruki. “Bakit? Marami ba ‘kong basher?” Alam ko na ‘di naman nawawala ‘yon, bilang aktibo sa social media bago makilala si Claude, alam ko na kapag ganitong contest ay mayroon t

