YUKI'S POV NAPAKASAYA KO! Napakasipag kong maglinis dahil in love ako. Kahit nagsungit si Claude sa ‘kin ngayong umaga ay okay lang dahil sanay naman ako sa kanyang kasungitan. Wala si Takumi kaya si Blue lang ang kinausap ko nang kinausap nang maabutan ko siya sa garden. “Wala ka bang girlfriend?” tanong ko kay Blue nang nag-aayos kami ng mga succulent. “W-wala,” “Hmmm…” “Kahit kailan ‘di ka pa nagkaroon?” “N-nagkaroon,” namumula siya. “Anong hitsura niya? Anong nagustuhan mo sa kanya?” “A-ano, i-iba siya…” “Iba siya? Alien? White lady?” Nangiti siya, “Basta…” “Ano nga? What do you like about her?” “He’s strong—“ “He?” takang tanong ako. “I mean she…”namula siya nang husto. “Ito naman baka sabihin mo grammar nazi ako!” “H-hindi. C-change topic?” Kinakabahan siya. Hind

