Pills “Pasensya na, Ma’am! Wala na pong stock ng pills!” Umawang ang labi ko sa narinig. Bumagsak ang balikat ko at nanlumo. “S-Sigurado ka ba?” paniniguro ko sabay lunok. “B-Baka naman may isa pa riyan!” Impossibleng wala, ah! Pangatlong botika na ito, ah! Grabe naman! Agad na umiling ang babae. “W-Wala talaga, ma’am, eh!” Kinagat ko ang ibabang labi ko at lumabas na. Ang init-init pa naman at hindi talaga ako makapaniwala na halos lahat ng pinuntahan ko ay walang pills na stock! Super impossible! Pero baka wala talaga! Huminga ako nang malalim at halos napairap nang tumawag si Harry. Tatlong araw na ang nakalipas simula nang umuwi si Tiya Elena. Si Harry ay hindi pa rin bumabalik sa kanila. Hindi niya ako pinapatrabaho dahil mamamasyal daw kami. Pero, ’yong pasyal niya ay hindi

