Spg Banyo “Ano ’to?” nagtatakang tanong ko. “Ano’ng laman?” Nasa kotse niya kami ngayon. Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang isang pulang paper bag. “Open it,” aniya sabay ngiti. “You won’t be surprised if I tell you.” Ngumiwi ako. “Ba’t may pa-surprise!” Maingat ko na binuksan ko ang paper bag. Noong una ay nalito pa ako sa laman dahil na rin ay hindi masyadong kita pero nang kinapa ko ito ay umawang ang labi ko. Tumingin ako kay Harry na ngayon ay nagpipigil na ng ngiti. “Chocolate?” Agad kong nilabas ang mga mamahalin na mga chocolates. Iba’t ibang brand ang nakita ko. “Why? You don’t like it?” nag-aalala niyang tanong. “Siyempre, gusto!” agad kong sagot at nagbukas pa ako ng isa sabay tikim. “Sarap!” “I’m glad that you like it,” aniya sabay hawak sa kanyang manibela.

