Pirma
Kinalimutan ko na lamang ang pangyayaring iyon at nag-focus na lamang sa anak ko. Hindi siya sumasama sa check up ko at tanging ako lang mag-isa or kung minsan ay si Manang ang sumasama sa akin. Napagkamalan na rin akong single mom kahit may asawa naman ako.
Pero minsan, hindi man lang niya ako kinumusta. Hindi ko na siya masyadong ginulo kahit sa gitna ng gabi ay ginugutom ako. Minsan ay naririnig ko siyang may katawagan na babae habang nakahiga ako, nakatakulob sa kumot, pinipigilan ang sarili sa pag-iyak. Tinitiis ang lahat ng sakit. Pero dahil do'n, bumalik ulit ang lakas ng loob ko na mag-effort para sa kaniya. Kahit alam kong tagilid at impossible, umaasa pa rin ako na balang araw ay malilingon na niya ako ng walang galit sa mga mata, walang inis sa pagmumukha. Na balang araw, lilingon na siya sa akin ng may pagmamahal at sasagot na siya sa bawat pagbati ko sa umaga.
Tumikhim ako, "Harry..." tawag ko sa kaniyang pangalan.
Narito ako sa opisina niya. Kahit bawal akong papasukin ay pumasok pa rin ako. Hindi pa kasi siya kumakain at ayaw ko na magugutom siya kaya naman ay nagluto ako ng kaniyang agahan. Gusto ko sabay kaming kumain. Nilakasan ko talaga ang loob ko para lang makaapak dito.
Busy ito sa mga papeles na nakalapag sa lamesa. Hawak nito ang mamahaling ballpen habang nakakunot ang noo. Maya-maya ay nag-angat ito ng tingin sa akin.
"What do you want?"
Nanindig ang balahibo ko sa kaniyang malamig na boses. Hindi ko maiwasan ang kabahan. Kinagat ko na lamang ang aking pang-ibabang labi bago siya sinagot.
"K-Kain na t-tayo, pinagluto kita," halos pumaos ang boses ko habang sinabi ko iyon.
Bumuntong-hininga ito at tumayo. Bigla akong umasa at parang tumalbog ng malakas sa saya ang puso ko nang tumango ito. Nawala tuloy ang kalungkutan ko kasi first time ko siyang makasabay sa umagahan.
Inilapag ko sa harap niya ang pinggan, kutsara at tinidor. Masaya ko ring kinuha ang niluto kong scrambled egg at pinagtimplahan ko pa siya ng kape. Kahit na salubong ang kilay nito ay hindi pa rin maitanggi na gwapo si Harry. Kahit hindi man niya ako tingnan, masaya na ako na pinaunlakan niya sa unang pagkakataon ang almusal na ito.
"Kakainin ko 'to kasi niluto mo 'to," malamig na aniya sabay angat ng tingin sa akin. "But don't show yourself to me and my girlfriend. Bibisita siya rito, sa kwarto ka lang. I don't want to ruin her mood."
Napawi ang ngisi ko at napalitan ng kirot sa dibdib. Tahimik na kumain si Harry habang ako ay nakatulala na lamang, tumahimik habang iniisip ang possibleng gagawin nila ngayon.
Akala ko pa naman ay sasaya ang araw ko nang tuluyan pero hindi pa pala. At may girlfriend na pala siya. Ito siguro ang isa sa mga technique niya upang saktan ako lalo. Pero matatag pa ako sa matatag kaya kinaya ko. Kinaya ko ang lahat. Kinaya kong makita silang magkasama sa balkoniya, nagyayakapan habang tinatanaw ang kalangitan.
Hindi ko maiwasan ang mainggit. Bunga lang ng one night stand ang pagbubuntis ko. He was drunk that time at ako ay nasa tamang huwisyo pa no'n. Sa sobrang pagkabaliw at pagkagusto ko sa kaniya ay palihim ko siyang sinusundan, tinitingnan mula sa malayo. Pero hindi ko akalain na lalapitan niya ako at nangyari nga, bumigay ako at nabuntis.
Likod lang ng babae ang kita ko pero alam ko na maganda ito at parang modelo, sa katawan pa lamang at postura. Nasa may pintuan lang ako, nakadungaw sa kanila. Akmang isasara ko na sana ang pintuan dahil ayoko nang makita ang masakit na eksena ngunit nang marinig ko ang kanilang pinag-usapan ay hindi ko mapigilan ang sarili na makinig.
"Kailan mo ba hihiwalayan ang buntis mong asawa? Bagot na bagot na oh! Ako na lamang mag-aadjust sa relasyon natin."
"Ella, ilang buwan na lang at manganganak na siya."
"Dapat lang na hiwalayan mo na pagkatapos manganak, at gusto ko, kunin mo sa kaniya ang anak niya at sa akin na mapunta. I can be the mother of your child, babe."
Nanginig ang kamay ko sa narinig. Hinintay ko ang sasabihin ni Harry. Umaasa ako na sasabihin niya na hindi niya kukunin ang anak niya sa 'kin, na kahit maghiwalay man kami ay hindi niya kukunin sa akin ang magiging anak namin. Pero halos mawalan ako ng hininga sa narinig.
"Ikaw lang naman ang gusto kong maging ina ng anak ko, at wala nang iba, Ella. Please be patient dahil pagkatapos ng malas na ito, papakasal na tayo..."
Mahina akong napasinghap at maingat na sinarado ang pinto. Napahaplos na lamang ako sa aking tiyan na malaki na ang umbok. Tatanggapin ko pa na ayaw sa akin ni Harry, tatanggapin ko kung maghiwalay man kami. Ang mga nakaraang linggo ang nagpa-realize sa akin kung paano kasaya ang pagkakaroon ng anak, kaya hindi ko na no'n masyado bi-nig-deal ang pag-iignora sa akin ni Harry.
Napamahal na sa 'kin ang anak ko kahit nasa tiyan pa lamang siya. Kaya hindi ko kakayanin kapag mawalay siya sa 'kin. Hindi ko hahayaan na mangyari iyon. Umiling ako. Kaya nang makaalis na ang babae na siyang girlfriend ni Harry ay lumapit ako sa kaniya at niyakap mula sa likuran Nagsimula na akong humagulhol. Ramdam na ramdam ko ang gulat at paninigas niya dahil sa ginawa ko.
Tangang-tanga na ako. I am begging for his love and affection na kahit sobrang impossible na ay sinubukan ko pa rin.
"Harry...mahalin mo ako," pagmamakaawa ko habang nakayakap sa likuran niya.
Gabing-gabi na, tulog na ang mga kasambahay. Kami na lamang dalawa sa gitna ng gabi at ang mga bituin ang saksi sa mga katangahan at kadesperadahan ko sa buhay. Mas lalo lamang humigpit ang yakap ko sa kaniya nang pilit niyang kumawala sa yakap ko.
"Harry...mahal na mahal kita, mahalin mo rin ako," pag-uulit ko.
"Let go!" mariin niyang sambit pero hindi ako nakinig.
Tuloy-tuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko. Hindi ko na kilala ang sarili. Para na akong baliw na naghahanap ng atensyon.
"I said let go, Bea Samantha!" His voice thundered.
Natauhan ako dahil sa kulog niyang boses. Kumawala ako sa yakap niya habang iyak pa rin ng iyak. Humarap siya sa 'kin nang may galit sa mata, nagliliyab na ito. Pwersahan niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko at niyugyog. Nakaramdam ako ng takot dahil do'n.
"Tama na!" galit niyang sabi. "Gaya ng sabi ko, hindi ako pumapatol sa isang katulad mo. Ina ka lang ng anak ko, kaya dapat iyon lang din ang papel mo. Huwag kang magmamakaawa na mahalin ka, dahil hinding-hindi iyon mangyayari!"
Halos mamula na ang mata ni Harry sa galit. Kinuha niya rin ang singsing niya sa daliri niya at ipinakita sa akin.
"Our marriage?...Is just bullshit!" sigaw niya sabay tapon sa singsing na mas lalong ikinirot ng puso ko.
Narinig ko ang pagkahulog ng singsing sa kung saan. Walang tigil sa pag-agos ang luha ko. Mas lalo niya lamang pinaramdam sa akin na hindi ako kamahal-mahal, sa pagtapon pa lang niya sa singsing ay doon ko naramdaman ang tunay na sakit. Umalis siya saglit sa harapan ko pero bumalik agad, dala-dala na ang isang envelope.
"Permahan mo ito, matapos mong manganak at umalis ka na sa buhay ko. Ayokong makita ang pagmumukha mo pagkatapos. Hindi ikaw ang gusto kong mahagilap ng anak ko!" mariin niyang sambit sabay pwersahang ibinigay sa akin ang isang envelope.
"Don't worry, may pera ka naman sa pag-alis mo. How much do you want? Five million, 10 million? Name your price."
Gustuhin ko mang magsalita ay hindi ko magawa. Para akong naubusan ng laway dahil sa kaniyang sinabi. Parang sinaksak ako sa likuran ng paulit-ulit. Ganito na ba siya kalupit? Ang hirap ko bang mahalin?
Ilang araw akong tulala, hindi kumikibo at balisa. Pinuwersa na nga ako ni Manang Helen na kumain. Alalang-alala na ito sa akin.
"Hija, jusko ka, kumain ka, hija? May masakit ba sa 'yo?" naiiyak na tanong ni Manang habang nakatulala lamang ako. Bigla na lamang akong namamanhid. Hindi ko ramdam ang paligid ko at parang gusto ko na lamang matulog buong araw.
"Gusto mo ba ng prutas? Mangga ba, hija? Lansones?" Patuloy pa rin sa pagtanong si Manang ngunit wala siyang nakuhang sagot.
Sa gabi ding iyon, hindi umuwi si Harry at siguro ay nasa girlfriend niya ito. Umagos muli ang luha sa aking mata nang maalala ko na naman ang kaniyang sinambit sa akin.Tumatak na ito sa isipan ko at impossibleng makalimutan ko pa. Habang mag-isa ako sa kwarto ay binuksan ko ang envelope na naglalaman ng annulment paper.
Ang sabi niya ay pepermahan ko raw ito pagkatapos kong manganak. Pero ayokong mawalay sa akin ang anak ko. Ayoko...
Kung ayaw sa akin ng lahat, kung ayaw nila sa akin, kung ayaw nila sa atensyon ko, may anak pa naman ako. May anak ako na magmamahal pa sa 'kin.
Wala sa sariling hinaplos ko ang tiyan ko at napangiti ng mapakla.
"Your mom loves your dad so much," bulong ko habang haplos pa rin ang tiyan. "Pero hindi niya ako mahal, anak. Hindi niya rin ako gusto maging ina mo..."
Tumulo ang luha ko sa papel. Nang magbaba ako ng tingin dito ay nakia ko na may perma na ito ni Harry.
Napangiti na lamang ako ng mapakla. Nanginginig ang kamay ko habang inilapit ang ballpen sa pangalan ko. Halos hindi ko na maisulat dahil sa panginginig pero natagumpayan ko pa ring mapermahan.
"Isusuko ko na ang lalaking mahal ko," bulong ko sa sarili ko. "Pero ikaw, anak ko, hinding-hindi kita isusuko."
Without them knowing, umalis ako sa bahay na tanging isang bag lang ang dala. Walang masyadong nakapansin sa alis ko dahil busy din ang lahat ng kasambahay. I turned off the phone and everything na possibleng maging info nila.
Yes, hindi ako umaasa na hahanapin nila ako. Pero alam ko na hahanapin ako ni Harry dahil tinakas ko sa kaniya ang anak namin. Kaya gagawin ko ang lahat, hindi lang siya makuha sa akin.