Lasagna Napailing na lang si Manang nang nakita niyang naging balisa si Ella. Huminto ako sa tapat niya at saka nilingon muli si Ella. Hindi ko alam kung bakit pero nang binanggit ko ang kapatid ni Harry ay bigla siyang naging ganiyan. Hindi niya ba alam na anibersaryo ngayon ng pagkamatay ng kapatid ni Harry? O baka naman nakaligtaan niya lang dahil mas inuna niya pang pinalandakan na buntis siya. Bumuga ako ng hangin. Sa pagkakaalam ko, matalik na magkaibigan si Ella at ang kapatid ni Harry na babae. Ano nga ba ang tunay na dahilan kung bakit nagpakamatay ang kapatid ni Harry? “Kailan kaya iyan uuwi?” si Manang. “Nakakaabala na iyan, eh! Masyado namang mabait si Madam para palayasin iyan dito, eh, kliyente nila.” Oo nga pala, kami lang naririto dahil nasa cementeryo sila Harry at

