Sandali siyang natigilan. Si Clay, sa bigat ng sarili niyang mga salita. At si Isla—parang binagsakan ng langit at lupa. Mariing tumitig si Isla sa mga mata ni Clay. Malalim. Masakit. Galit na nag-aalab sa ilalim ng sugatang damdamin. “Babies?” aniya sa boses na bahagyang nanginginig. “Alam mo ba talaga ang sinasabi mo?” mapait ang pagkakabitaw niya ng mga salita, habang unti-unting namumuo ang luha sa kanyang mga mata. Napansin iyon ni Clay. Gusto sana siyang lapitan—damayan. Ngunit mabilis siyang pinigilan ni Isla, isang mariing tingin lang ang sapat na hadlang. "Isla..." mahinang tawag niya. Para siyang batang naliligaw, hindi alam kung saan magsisimula. Hindi rin niya maintindihan kung anong demonyo ang sumanib sa kanya at basta na lang binanggit ang salitang iyon. Anak? Gusto ba

