CHAPTER 22

1444 Words
Sunod-sunod na malalakas at galit na galit ang mga katok ni Clay sa pintuan ng dressing room ni Michelle. Wala siyang pakialam kung may taping ito. Wala siyang pakialam na alas-sais pa lang ng umaga. Sa kanya lang umiikot ang mundo sa sandaling iyon—at sa babae sa loob ng kwartong ‘yon na dapat lang maturuan ng leksyon. Naalala niya ang isang recording na ipinabasa noon ni Michelle sa kanya. Nang tingnan niya sa phone ay nakita nga niyang nai-record niya ito. Tila ito ang narinig ni Isla nang gabing iyon. Tunog recorder. At kung medyo naging mapanuri lang si Isla, baka napansin niya ito—pero bakit hindi? At higit sa lahat… bakit kailangang may manira? Wala siyang pakialam sa dahilan. Isa lang ang sigurado niya—may ginawa si Michelle. At ngayon, pagbabayaran niya iyon. Bumukas ang pinto. Lumitaw si Maila, ang manager ng aktres. “Clay?” gulat nitong tawag. Pero hindi na siya nag-aksaya ng oras. Wala ni isang salita—dumiretso siya sa loob. Napatayo si Michelle mula sa pagkakaupo. Para siyang kuting na nahuli sa akto. Kinakabahan. Halatang balisa. At ang mga matang iyon—hindi makatingin sa kanya, takot na takot. “You know why I’m here, Michelle,” malamig na sambit ni Clay, bawat hakbang ay punô ng galit. Umatras si Michelle. Isang hakbang, dalawa. Hanggang sa dumikit ang likod niya sa pader. Wala na siyang aatrasan. Wala na siyang maitatago. “Clay, let me explain,” anas niya, pilit na iniiwas ang tingin. Napakuyom ang kamao ni Clay. Pakiramdam niya ay sasabog siya sa galit. Lahat ng pinaghirapan nilang ayusin ni Isla—lahat ng paghilom—sinabotahe ng babaeng ito para lang sa pansariling kapakanan. Napaka-demonyita. “Hinding-hindi ako nananakit ng babae… pero baka ikaw ang unang exception,” aniya sa ngitngit. “Explain. And apologize. To. My. Wife.” Kitang-kita niya kung paano lumunok si Michelle—isang sulyap ng takot sa likod ng pilit na tapang. “Bakit ko naman gagawin ‘yon?” mariing sagot ng babae. Mataas ang kilay, nakapang-iinis ang tono. Pero ang mga binti nito? Nanginig sa presensya niya. “Wala akong pakialam sa inyo. Get out of here, Clay.” Ang kapal. Ang kapal ng mukha. Walang ni katiting na pagsisisi. Walang pag-amin. Walang respeto. Hindi na siya naghintay pa ng paliwanag. Mabilis siyang lumapit at hinila si Michelle palabas, kahit pa nagpipiglas ito. Nataranta si Maila at agad na sumunod, pilit inaawat si Clay. “Clay! Huwag dito—baka may makakita!” “Maila, don’t forget the favor that you owe me,” mariin niyang banta. “You might regret this.” Para itong sampal kay Maila—napaatras siya, at doon unti-unting gumuho ang kumpiyansa ni Michelle. “Maila?! Are you serious?!” pasigaw na hiyaw ni Michelle, pero walang sumaklolo. Wala siyang kakampi. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Michelle. Wala siyang laban. Wala siyang sandalan. Nagpupumiglas siya habang hinahatak siya ni Clay papunta sa sasakyan, pero para siyang nagtutulak ng pader. Tila bato si Clay—matigas, matatag, at hindi natinag. Pagkapasok nila sa loob ng kotse, agad siyang pinaharurot ni Clay. Wala siyang pakialam sa trapik. Parang naglalaro siya ng patintero sa gitna ng kalsada, ngunit hindi iyon laro—iyon ay paghabol ng hustisya. Sa passenger seat, si Michelle—namumutla, halatang pinapanic. Sa wakas, siya naman ang kinakabahan. Siya naman ang nawawala sa kontrol. At ito pa lang ang simula. "Are you going to kill us? Slow down!" sigaw ni Michelle at tila hindi naman siya nito narinig. "Explain and apologize to her. That is all I ask of you, Michelle. After this, I'll pretend it didn't happen," wika niya at inismiran naman siya nito. "Narinig kong lubog na kayo sa utang kaya kahit extra ay kinukuha mo. I will even pay your debts if you do this right," dagdag pa niya. Tila nalulusaw naman sa kahihiyan si Michelle. Huli na nang malaman niyang mahal niya si Clay simula nang tumigil ito sa panliligaw. Nagbago ang lahat nang mabalitaan niyang may importanteng tao ang dumating sa buhay ng mga Verdera. Hindi ito kumalat at hindi rin nailagay sa mga headlines dahil malaki ang ibinayad ng mga Verdera upang itago ito. Nagkaroon ng leak si Michelle ukol dito at hindi niya aakalaing aabot siya sa pagiging isang stalker. Nalaman niyang kasal na pala ito kaya naghanap siya ng paraan upang maghiwalay ang dalawa. “We’re here. She’s inside,” malamig na sabi ni Clay bago siya agad bumaba ng sasakyan. Ni hindi na niya pinag-abalang pagbuksan ng pinto si Michelle. Mabigat ang bawat hakbang ng dalaga habang bumababa siya sa kotse. Inilibot niya ang tingin sa buong kabahayan—malinis, elegante, at puno ng katahimikan. Ramdam niya ang saksak ng inggit sa puso niya. Ito ang mga dating kwento ni Clay... Ito ang bahay na minsan niyang ipinangarap kasama siya. Pero hindi sa kanya ito napunta. Napalunok siya at tahimik na pinagmasdan si Clay na naglalakad palayo, hindi man lang siya nililingon. Bumukas ang pinto. Isang matandang babae ang lumabas—si Faroda. Tinapunan siya nito ng isang tingin, may bahagyang pagsipat mula ulo hanggang paa, bago magalang na bumati. Hindi siya sumagot. Wala siya sa mood makipagplastikan. “Pakitawag po si Isla,” sabi ni Clay, at tumango naman si Faroda bago ito nawala sa loob. Pinaupo siya ni Clay sa isang upuang kaharap ng pintuan. “Let’s wait for her.” Michelle crossed her legs, chin held high. “Clay, are you still in love with me?” tanong niya nang walang pasakalye. Napalingon si Clay sa kanya—blangkong ekspresyon. Walang emosyon. Walang galaw. “Look at this house,” dagdag ni Michelle. “This is what you wanted. This was your dream back when you were chasing me, remember? So I assume you’re still in love with me. We can fix this, Clay. You and I—” Pero natigilan siya. Mabilis. Parang napako ang mga salita sa kanyang lalamunan nang salubungin siya ng malamig at matalim na titig ni Clay. “That was in the past,” mariing sagot nito. “Don’t overstep the bounds. I respect you, Michelle, but more than that—respect my wife. This house belongs to her. Honor that.” Napahiya si Michelle. Napakagat siya sa kanyang labi, at kumuyom ang mga kamao niya habang tahimik na nag-aapoy sa loob. Biglang may yabag sa hagdan. Bumaba si Isla—payak ang suot, wala ni isang kolorete sa mukha, at gayunman ay umaapaw ang ganda. Simple. Tahimik. Pero malakas ang presensya. Napako ang tingin ni Michelle sa kanya. Ito ba ang pinalit sa akin? Naiinggit siya. Naiinis. At higit sa lahat, hindi niya matanggap. Nagkatinginan silang tatlo. Isla sa harap ni Michelle, si Clay sa pagitan nila—parang tahimik na ring ng tensyon ang bumalot sa buong sala. “I’m Michelle,” basag ni Michelle sa katahimikan. “I work with Clay. I’m here to apologize for what you heard the other day. It wasn’t Clay. I was the one who edited and recorded the script. Lahat ‘yon, gawa ko. I’m sorry for what happened because of that.” Tahimik lang si Isla. Tumango. Pero ang titig niya, prangka—parang nakikita ang kaluluwa ni Michelle. At nang lumingon siya kay Clay, naroon ito, nakatitig din sa kanya. Hindi ang Clay na galit. Hindi ang Clay na malamig. Ito ang Clay na marunong mahiya. “Kumain ka na ba?” tanong ni Isla. Nagulat si Clay. Hindi niya inaasahan iyon. Ngunit si Michelle? Bahagyang napatungo, hindi makatingin. “Yeah. I should go. May taping pa ako.” Tumayo siya. “I really just came here to say sorry. Clay, no need to drive me. I can handle myself.” Tumango siya kay Isla. “I’m sorry for the trouble I’ve caused.” At sa wakas, umalis na siya. Isang bigat ang nawala sa silid… ngunit may naiwan ding lamig. Hindi alam ni Clay ang gagawin. Nanatili siyang nakatayo, nakatitig sa pinto kung saan lumabas si Michelle. At nang humarap siya kay Isla, nilagpasan lang siya nito—tahimik, walang imik. “Isla,” tawag niya, halos bulong. Pero hindi siya pinansin. Sinundan niya ito ng tingin. Pataas ng hagdan. Papalayo. Parang tinanggalan siya ng ilaw. Napahawak siya sa mukha. Napabuntong-hininga. Dala ang bigat ng hindi niya maintindihang emosyong bumabalot sa kanya. Lumapit si Faroda, tahimik, ngunit may laman ang tinig. “Iho,” aniya, “mukhang hindi naman ito ang gustong mangyari ni Isla. Tingnan mong mabuti ang mga kilos mo. Baka sa pag-aayos mo ng isa, nasira mo naman ‘yung isa pa.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD