Makalipas ang isang buwan . . . Hindi makapaniwala si Isla na isang buwan na pala ang inilagi niya sa Batanes. Hindi rin gaano kalakas ang signal para makakonek siya sa internet at kailangan niya pang dumayo sa bayan upang makatawag sa kanyang ina. Mayroon din naman silang telepono sa kanilang rest house ngunit dahil na rin sa tagal na hindi ito nagagamit at naputol na ang linya nito. Hindi na rin siya nag-abala pang ipaayos ang linya sa kanilang caretaker dahil pakiramdam niya ay hindi niya naman ito madalas na gagamitin at ayaw niyang maistorbo. Sa tuwing mag-uusap sila ng kanyang ina ay lagi rin nitong tinatanong kung kailan siya uuwi at ngayong nag-isang buwan na ang kanyang pamamalagi ay napag-isip isip niya ring umuwi kahit panandalian lamang. Wala na rin siyang gaanong balita kay

