Nasa loob kami ngayon ng library nila tita Cheska. Kasalukuyan silang nag-uusap ng panganay niyang lalaki habang ako ay tahimik na nakaupo at nakikinig sa usapan nila. Kanina pa sila nagpipilitan, gusto ko sanang lumabas kaso nakakahiya kay tita dahil siya ang nagtawag sa akin papunta rito. “She's the thief I am looking for Mom, she can't stay.” reklamo ng lalaki. Halata ang inis sa mukha nito ngunit halatang pinipigilan niya dahil sa ina. “She will stay here we made a deal.” pilit na naman ng ina. Kalmado lamang ito. Habang sinusunda ang pabalik panaong kilos ng anak. “But mom, what if she steals something here? She shouldn't be trusted.” Pursigido talaga siyang paalisin ako. Pigil ang luha ko at napayuko na lamang. Tama naman ito,hindi ako mapagkakatiwalaan. Isang pagkakamali ang kup

