Halos hindi napansin ni Sky kung paano siya nakarating ng ospital. Hindi siya makapaniwala sa nakita. Isa itong pasabog para sa kaniya. Lutang, at punong-puno ng katanungan amg isip niya. Ano? Paano? Bakit? Lahat halo-halo na. He feels frustrated. Gustong-gusto niyang tanungin na ang dalagang si Joe, ngunit tila hindi pa siya handa sa mga isasagot nito. May kung anong pumipigil sa kanyang magtanong sa dalaga. Hindi niya alam kung ano, basta ang alam niya natatakot siya. Natatakot saan? Hindi niya rin alam. Magulo, sobrang gulo ngayon ng isipan niya. Huminga muna siya ng malalim bago pumasok. Naabutan niyang natutulog ang dalaga, kaya maingat siyang kumilos. Nakahinga rin siya nang maluwag dahil baka lalo siyang mabalisa kung gising itong madatnan niya. Mamayang hapon ang discharge ng

