Masamang balita ang dahilan ng pagkukumpolan ng mga kaibigan ng kanyang nobyo. At mukhang ang problema na maliit lang kahapon na tila usok lang ay tila nagliyab na ng tuloyan sa ngayon. "Patay na si Sabina." Sabi ni Xaniel ng makalapit siya sa mga ito. "A-ano?" Tila bomba na sumabog sa kanya ang naturang balita. Lalo at matunog sa balita ang ginawang pagdawit ng ina nito kay Rex. "Pinatay siya kaninang madaling araw." Sabi ni Xadrin. "Imposible na si Rex ang pumatay, magkasama kaming dalawa magdamag." Sabi niya agad. "Alam namin, tsaka naka live naman yun kagabi kaya alam na naman ng boung mundo na nandito si Rex." Sabi ni Xaniel sa kanya. "Magpapakatatag ka, yun lang ang sasabihin ko anak. Alam mo naman na dating magkarelasyon silang dalawa ng fiancee mo. Ang inaalala ko ay baka i p

