Masakit ang naging pasya ni Rex para sa kanya, pero may maggagawa ba siya? Alam niyang ito parin ang masusunod lalo na at di naman niya pwedeng ipagsiksikan ang kanyang sarili dito. "Manong Nestor, pwede nyo ba akong samahan kina Rex. May kailangan lang akong sabihin sa kanya." Sabi ko ng makita itong mag isa sa gilid na nakabantay sa kanilang sala. "Ngayon na po ba Señorita?" Tanong nito sa kanya. "Opo, ngayon na." Sagot ko dito. "Sige po, ipapahanda ko lang ang ating sasakyan." Sabi nito. Gusto niya na tuloyan ng putulin ang ugnayan niya sa lalaki. Yun ang naging pasya nya dahil sa naging desisyon nito kahapon. "Tara na po Ma'am." Sabi nito. "Sige." Sagot ko na hinayaan ang mga ito na alalayan siya. Tahimik nilang binagtas ang daan patungo sa mansiyon ng mga ito. Agad na pinagbuks

