Nang magising siya kinahapunan ay may dalawang babae na nagluluto ng hapunan sa kusina nila. Ang nanay niya ay ayon nanonood ng tv sa sala. "Magandang gabi po, Ma'am Xania." Sabi ng mga ito sa kanya ng makita siya. "Magandang gabi din, sino kayo?" Di niya napigilang tanong sa mga ito. "Ako po si Rowena at ito naman si Mutya. Kami po ang ipinadala nila Ma'am Riva na kasambahay nyo dito." Sabi ng may edad na babae, medyo bata pa ang isa tantiya niya ay nasa bente mahigit pa ang isa. "Sige maiwan ko muna kayo diyan." Sabi niya. Nagmartsa siya patungo sa kanyang nanay na halatang tuwang tuwa sa pinapanood. "O ayan kana pala, halika maupo ka dito. Dumating na ang mga kasambahay na pinadala ng byenan mo para sayo." Sabi ni Nanay niya na may irap na kasama alam niyang inaasar lang siya nit

