Wala siyang imik habang kumakain, magkaaway parin sila ni Rex. Mainit ang ulo niya dito lalo at tila inaasar pa siya nito. Pag sabi niya kasi ng break ay okay lang ang isinagot nito. Tapos di na siya sinuyo, kaya naman lalong sumama ang loob niya dito. "Kainin mo pa ito." Sabi nito na nilagyan ng pagkain ang kanyang pinggan. "Busog na ako." Seryuso ang tinig na sabi niya dito. "Ilang subo mo palang a." Sabi pa nito. "Ako ang may katawan kaya ako ang mag dedecide kung kakain pa ako o hindi na." Masungit na sabi niya pa. Kanina pa panay ang tinginan ng mga kasama nila sa tila asot pusa nilang pagkain. "Sige lang awayin mo lang ako ng awayin, para maging kamukha ko ang mga anak natin." Nakangising sabi nito sa kanya, na lalong ikinainit ng ulo nya. "Ang pangit pangit mo gusto mo pang ka

