Sa kabila ng galit niya sa lalaki ay di naman niya pinabayaan ang kanyang sarili lalo na at may mga baby na umaasa sa kanyang kalusogan. Tahimik lang siyang kumakain, ganun din ang mga kasama niya sa bahay. Tanging kalansing ng mga kutsara at plato ang maririnig. "Ma'am Xania, may bulaklak pong padala si Sir Rex." Bungad ni Manong Nestor na may dalang bungkos ng mga pink na rosas. Umasim ang mukha niya pagkarinig ng pangalan ng lalaki. "Pakitapon nalang po Manong, salamat po sa paghatid napagod pa kayo." Tila di makapaniwala ang lalaki sa kanyang sinabi. "Po?" Tanong pa nito. "Sabi ko po pakitapon nalang po sa basurahan niyang bulaklak." Sabi ko na nagpunas ng tirang pagkain sa bibig. "Sigurado po ba kayo Ma'am?" Tanong pa nito. "Opo." Penal niyang sagot dito. Bakas ang panghihinaya

