GINA JANE CHOI's POV
Pagpasok ko sa office ko, I saw bundles of red roses. Nagmukhang flower shop ang office ko sa dami nito.
"Gina! Daming flowers ah! Nice! Ang dami talagang nahuhumaling sa beauty mo! Ikaw na!" Amazed na sabi ni Nicole.
Natatawa nalang ako sa sinabi nya. Nilapitan ko isa-isa ang mga roses at binasa ang mga cards.
May isang bouquet of flowers that caught my attention. Nasa table ko ito nakalagay. Mayroon itong three white roses sa center at pinapalibutan ng red and pink roses.
Nilapitan ko ito at binasa ang card.
To the woman that makes my heart race like a horse and inspires me to work everyday just to see her angelic face. Happy valentines day! See you later my angel. -Anonymous
From who kaya itong flowers? Kay Jestoni? Maybe. Oo nga pala. Date ko si Jestoni mamaya. I dont know kung anong plans nya for our dinner date. Susunduin nya nalang daw ako.
MARCUS CHO'S POV
"Haaaaaayyyyyy." Chorus na sambit naming tatlo.
Kasama kong nakatingin sa ceiling si Kuya Jerome at Nathan. Nandito kami sa living room at walang magawa kundi titigan nalang ang ceiling.
"Oh! Bakit nandyan lang kayo sa sofa? Wala ba kayong pupuntahan? Wala ba kayong date?" Sabi ni Kuya Dennis habang inaayos ang damit nya.
Sabay sabay kaming tatlo na tumingin sa kanya na parang kawawang bata.
"Wala." Sagot naming tatlo.
Napailing sya. "Better luck next time nalang mga bro. Sana mabigyan kayo ng date ng ceiling. Paano? Gotta go! Baka ma-late ako sa work."
Pagkaalis ni Kuya Dennis, ibinalik ulit namin ang tingin sa ceiling.
"Alam kong mga gwapo tayo, pero hustisya naman! Bakit wala tayong mga date?!" Maktol ko sa situation namin.
"Yeah. Hustisya nga naman! Pero Marcus, wag kang umasa na mabibigyan ka ng hustisya. Para sa mga good boy lang yon na katulad namin ni Ryeowook." Sabi ni Kuya Jerome.
Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ni Kuya Jerome. I'm not in the mood para ilabas ang kaevilan ko.
DENNIS PARK's POV
"Miss Choi, please announce to the employees na may meeting after lunch sa sapphire blue office." I said over the phone.
"Okay sir."
I just hope na magustuhan ng mga employees ko ang announcement ko mamaya.
50th anniversary na ng Hallyu Brothers Empire bukas. Every anniversary, tradition na ng family namin na bigyan ng outing ang mga employees namin. That's how we appreciate their efforts and to motivate them to work hard.
"Guys, listen. We all know that tomorrow is the 50th anniversary of the company. So we're having an outing sa private beach resort namin. What do you think?" I said.
"That's great, sir!"
"Okay then, prepare yourself for tomorrow. Take a look at the bulletin board sa baba for some information about sa outing tomorrow. That's all and happy valentines day." I said at tumayo.
Magkasabay kaming naglalakad pabalik ni Gina sa office. Nakita nya kaya yung flowers na bigay ko? Naku! I hope so. Pano ba naman kasi? Ang dami ng nakalagay na flowers sa office nya pagdating ko. Dahil hindi ko malaman kung saan ilalagay ng dala kong flowers, nilapag ko nalang ito sa table nya.
Ayain ko kaya sya makipag-date? Great! Maybe this is the right time to ask her for a date.
"Gina, are you free today?" Sana free sya today.
"No, sir. May date po kasi ako mamayang gabi."
"Ganon ba?" Dismayado kong sabi.
She just nodded.
"Si Jestoni ba... ang date mo mamaya?" Naalala kong tanong.
"Yes, sir." Nakangiti nyang sagot.
What the?! Alone pa yata ako ngayong valentines day. I'm so idiot talaga na hindi ko sya naaya kaagad. Naunahan tuloy ako.
GINA JANE CHOI's POV
"Gina, how's it? Masaya ka ba sa date natin?" Nakangiting sabi ni Jestoni.
Nandito na kami sa tapat ng pinto ng condo unit. Hinatid nya ako pauwi. Katatapos lang namin mag-date.
I smiled. "Yeah. That was great! Thanks for the wonderful date."
Dinala nya ako sa isang classic na restaurant. The ambience was great at marami mga customers na nagddate sa lugar na yon at nagkwentuhan kaming dalawa. Jolly person sya, mabait at gentleman.
"I'm very thankful that I made you happy." He said.
"So paano? See you tomorrow nalang?" I said.
"Yeah." He kissed me on my cheek. "Goodnight."
Medyo nagulat ako sa ginawa nya pero okay lang. Pinasaya naman nya ko eh.
Hahawakan ko na sana ang doorknob nang kusa itong bumukas at bumulaga sa harap ko si Dennis.
"S-sir?" Utal kong sabi.
I thought umuwi sya sa bahay nila ngayon. Bakit nandito sya?
"Pasok ka na. Lalabas lang ako sandali. May bibilhin lang ako." At lumabas na sya sa unit.
Pumasok na ako sa kwarto at nilapag sa bedside table ang flowers na bigay sa akin ni Jestoni sa restaurant. I asked Jestoni kung sa kanya ba galing yung flowers sa table ko sa office kanina pero sabi nya hindi daw yon galing sa kanya. Napaisip tuloy ako kung kanino galing yon. Iyon lang kasi ang may card at flowers na hindi nakaindicate kung kanino galing.
After kong magbihis, pumunta ako sa kitchen para uminom ng tubig. Pabalik na sana ako sa room ko ng mapansing may tao sa terrace. Katapat lang kasi ng room ko ang terrace. Ano kayang ginagawa nya doon? Nilapitan ko sya at umupo sa katabi nitong upuan.
"How was your date?" Nakayuko nyang sabi. Hindi ko maaninag kung anong facial expression nya.
Nakita kong may mga canned beer sa katapat nitong table. "It was great. How about you, sir?"
He grinned. "Tss. Dont call me sir. Wala tayo sa office. Wala akong date ngayon kaya heto, nag-iisa."
Pareho kaming natahimik pagkatapos nyang sabihin yon. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan nya. Inom lang sya ng inom. Hinayaan ko lang sya sa ginagawa nya. Mukhang wala syang balak sabihin sa akin kaya tumayo na ako.
"Sige. Mauna na ako sa loob. Goodnight." At umalis na ako sa tabi nya.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng kwarto ko ng biglang hawakan ni Dennis ang braso ko. Napalingon ako sa kanya.
Mapupungay ang mga mata nyang nakatingin sa mata ko. The way he looked at me parang matutunaw ako. Parang nangungusap ang singkit nyang mata.
Nanlaki ang mata ko sa sumunod nyang ginawa.
He... He kissed me! That was a passionate kiss. Alam kong maraming beses ko na syang nahalikan sa shooting sa beach resort pero iba ang nararamdaman ko sa ginagawa naming ito. Hindi katulad nong shooting namin na parang may hesitant pa sa amin dahil on cam iyon. Walang love na involve. But now, I can sense na meron. Halos ingat na ingat syang halikan ako. I kissed him back.
Sana tama itong nararamdam ko for him. Na sana mahal nya rin ako. Gusto kong maging selfish when it comes to him.
Then he looked at me. "I love you, Gina." He flashed a beautiful smile bago sya natumba sa akin.
Dinala ko sya sa kwarto nya at inihiga. Sa bigat nya buti nalang nakayanan ko pa syang dalhin sa kwarto nya. Mahimbing na syang natutulog while ako, nakangiting nakatingin sa kanya. Hinaplos ko ang buhok nya.
"Sana Leeteuk, tama ang rinig ko sa sinabi mo kanina. Na sana mahal mo talaga ako not as your secretary pero bilang isang babae na special sa buhay mo. Hindi mo lang alam how much you made me happy today. Kahit na hindi ikaw ang naka-date ko, it didnt made me feel sad because the last three words you said kanina, nag-uumapaw ang puso ko sa saya." Kausap ko sa kanya kahit natutulog sya.
Sana palagi nalang syang lasing no? Para masabi nyang mahal nya ako.