Chapter 6

2160 Words
Lilliana POV MATAMAN kong sinipat ang sarili sa life size mirror. Maaga akong naligo at nagbihis. Nag ayos din ako ng kaunti sa sarili. Dapat magandang maganda ako sa paningin ni Gado. Yung tipong hindi nya makakalimutan ang hitsura ko na maging hanggang sa panaginip nya ay nakikita pa rin nya ako. Ngayong araw ang start ng serbisyo nya sa akin bilang bodyguard. Bukod kaya sa pagiging bodyguard, may iba pa kaya syang serbisyong kayang ibigay sa akin? Napakagat labi ako sa naisip. Basta talaga kay Daddy Gado lumalabas ang wild side ko. Eh kasi naman sobrang lakas talaga ng dating nya. Virgin pa ako pero parang gusto kong magpadevirginized sa kanya. Ano kaya ang feeling na halikan nya? Na angkinin nya? Malaki kaya ang 'ano' nya? Ipinilig pilig ko ang ulo dahil sa tumatakbo sa aking isip. Nag init din ang aking mukha. Shit Lilliana! Para kang manyakis na babae. Nakakahiya ka! Sermon ng isang bahagi ng utak ko. 'Hindi ako manyakis no! Curious lang ako.' Ng makuntento na ako sa histura ko ay lumabas na ako ng kwarto. Excited na akong makita si Gado. Kagabi pa sya dapat lumipat dito sa mansion ni Tito Melchor at Tita Jacinta. Hinintay ko nga sya kagabi hanggang alas dose pero wala pa sya hanggang sa nakatulog na ako. Siguro ay madaling araw na sya dumating. Noong sabihin ni papa na dito na ako sa probinsya mag aaral ay lungkot at tuwa ang naramdaman ko. Lungkot dahil hindi ko na makakasama ang mga kaibigan ko na syang naging karamay ko sa mga panahong nalulungkot ako. At masaya dahil malalayo na ako sa mag inang bruha at si Tito Melchor at Tita Jacinta na ang palagi kong makakasama. Higit sa lahat ay araw araw ko ng makikita ang man of my dreams na si Daddy Gado. Akala siguro ni papa ay parusa sa akin ang pagtapon nya sa akin dito sa probinsya. Nagkakamali sya dahil sa lahat ng naging desisyon nya ito ang pinakamaganda at gustong gusto ko. "Good morning Manang Ditas!" Magiliw na bati ko sa matandang mayordoma pagbaba ko ng hagdan. May hawak syang basket na may lamang mga kumot at bed sheet. "Good morning din Ma'am Lilliana." Nakangiting bati nya sa akin. "You look so young and fresh this morning manang. Secret reveal naman dyan para maging kasing fresh nyo rin ako." "Sus! Binola mo pa akong bata ka. Sapat na tulog lang para magmukha kang fresh. Hindi dapat nagpupuyat." Natatawang sabi nya. Napanguso naman ako. Alam kong pinariringgan nya ako. Nagpuyat kasi ako kagabi kakahintay kay Gado. "Pero I look fresh naman manang di ba? Kahit kulang ako sa tulog." Sabi ko at dinampi dampi ang kamay sa pisngi. "Oo naman. Fresh ka pa ring tingnan at magandang maganda. Pero huwag mong uugaliing laging nagpupuyat Ma'am Lilliana dahil lalaki ang eyebag mo at hindi ka na magiging fresh. Sige ka." "Yes manang, di na po ako magpupuyat." Ngumiti ang butihing mayordoma at tumango. "Mabuti kung ganun. Pero ka'y aga mong nagising kahit puyat ka." Matamis akong ngumiti at kumagat labi. "Dumating na po ba si.. Gado manang?" "Hmm ikaw talaga.." Nanunuksong sabi ni manang. "Oo dumating na sya kaninang madaling araw." Bumilis ang t***k ng puso ko sa tuwa na makita na ang binata. "Gising na po sya manang?" "Aba'y oo kanina pa sya gising. Nagjo-jogging sya ngayon sa labas -- " Hindi ko na tinapos ang sinasabi ni Mamang Ditas at tumalikod na para lumabas ng bahay. Pero hinawakan ako ni manang sa braso. "Teka saan ka pupunta iha?" "Sa labas manang. Papanuorin ko si Gado na magjogging." Kinikilig na sabi ko. Ano kaya ang suot ni Gado habang nagjo-jogging? Nai-imagine kong nakajogger lang sya at walang pang itaas na damit. Nakabilad sa araw ang macho nyang katawan at nangingintab ang pawis nya sa bandang dibdib at abs. Hay.. I wanna take a picture of him tapos gagawin kong wallpaper. "Kuh bata ka, kagigising mo pa lang at ke aga aga si Gado na agad ang naiisip mo. Hindi ka pa nag aalmusal. Kumain ka muna at hinihintay ka na ng senyor at senyora sa komedor." "Pero manang, I wanna see Gado muna." "Makikita mo naman mamaya si Gado. Kumain ka muna. Hala! Pumaroon ka na sa komedor." Pinagtulukan na ako ni Mamang Ditas papuntang komedor. Wala na akong nagawa kundi sumunod na lang. May ibang araw pa naman para masilayan ko ang ka-macho-han ng Daddy Gado ko. "Good morning tito, tita." Bati ko sa tiyuhin at tiyahin at humalik sa mga pisngi nila. "Good morning iha. Ang aga mong nagising ah." Malambing na sabi ni Tito Melchor at minuwestra ang bakanteng upuan sa bandang kaliwa nya. Umupo naman ako doon. "Himala ang aga mong nagising iha. Ang sabi ni Ditas late ka na raw nakatulog." Ani Tita Jacinta. Kumagat labi ako at ngumiti. Hindi ko pwedeng sabihin kay Tita Jacinta na dahil gusto kong makita si Gado, siguradong makukurot nya ako sa singit. "Nagutom po kasi ako tita eh." Sabi ko at kinuha ang bandehado ng sinangag. Tumango naman si Tita Jacinta at humigop ng kape sa tasa nya. "Sige na iha, kumain ka na. Kung may gusto ka pa sabihin mo lang." "Yes tito." Pagkatapos kong maglagay ng sinangag sa plato ay naglagay naman ako ng bacon at itlog. Lumapit naman sa akin ang isang kasambahay at inalok ako ng kape. Humingi naman ako at pinalagyan ng creamer ang kape. "Next week start na ng pasok mo. Dapat sulitin mo ang mga araw na wala kang pasok iha. Gusto mo bang mamasyal? Magmall?" Tanong ni Tito Melchor sa gitna ng pagkain ko. Nagkaroon naman ako ng interes sa sinabi nya. "Kuh, kaya nga dito na pinag aral ni Delfin si Lilliana dahil puro gala ang inaatupag sa Manila. Tapos ikaw naman Melchor eh pinapagala pa sya." Kontra ni Tita Jacinta na ikinanguso ko. "Honey naman, di sya gagala. Mamasyal lang sya. Ang kasama nya ay si Gado at hindi ang mga barkada nya." Lalo akong na-excite ng banggitin ni Tito Melchor ang pangalan ni Gado. Gusto kong mamasyal kasama si Gado. "Sige na po tita, payagan nyo na po akong mamasyal. Namiss ko ng mamasyal sa mall nyo dito." Pakiusap ko kay Tita Jacinta with matching puppy eyes pa. Mataman naman syang tumingin sa akin. Lalo naman akong nagpacute. Tumawa si Tito Melchor. "May naisip ako honey, bakit kaya hindi na lang tayong tatlo ang mamasyal? Ipasyal natin si Lilliana sa bagong bukas na mall malapit lang sa kapitolyo." "Ay I love that idea tito. Namiss ko na kayong kasama sa pamamasyal." Masarap kasama mamasyal si Tito Melchor at Tita Jacinta. Spoiled nila akong dalawa kahit may pagka-strict si tita. Masaya din ako kapag sila ang kasama dahil pakiramdam ko may papa at mama ako. Buo ang pamilya ko. "O sige, mamasyal tayong tatlo." Sabi ni Tita Jacinta. Napapalakpak naman ako sa tuwa at lalo akong ginanahang kumain. "Magandang umaga ho senyor, senyora." Sabay sabay kaming lumingon sa nagsalitang si Gado. Napahinto ako sa pagnguya ng makita sya. Mukhang tapos na syang magjogging. Nakasuot sya ng itim na jogger at sandong puti na hakab na hakab ang kanyang mamasel na katawan. Namumutok din ang biceps at triceps nya. Parang ang sarap i-ulam. Medyo pawisan pa sya dahil mamasa masa ang sando. "Magandang umaga din Gado. Alas tres ka na dumating kaninang madaling araw pero ang agad mo pa ring gumising." Ani Tito Melchor. "Alam nyo naman hong hindi ako sanay na gumising ng tanghali senyor." Nakangising sabi ni Gado. Shet! Pati boses nya ang sarap -- I mean maganda. Malaki at buong buo. Tumawa si Tito Melchor. "I know iho. Kaya nga bilib na bilib ako sa disiplina mo sa iyong sarili." "Iho sumabay ka na sa aming mag agahan." Alok ni Tita Jacinta. "Oo nga sabay ka na sa amin Da -- Gado." Alok ko rin sa kanya. Tumingin sa akin si Gado. Tila naman sinibat ng pana ang puso ko ng magsalubong ang aming mga mata. Shet talaga! Tingin pa lang nya parang mapipigtias na ang garter ng panty ko. Nag iwas sya ng tingin sa akin at tumingin kay Tito Melchor at Tita Jacinta. "Hindi na ho senyora, sa kusina na lang ho ako kakain." Tanggi nya na ikinasimangot ko. "Sige na, sumalo ka na sa amin Gado." Pamimilit pa ni Tito Melchor. "Pero senyor -- " "Huwag ka ng mahiya. Di ka naman na iba sa amin at matagal tagal na rin mula ng nakasalo ka namin sa hapag kainan." Humimas sa batok si Gado pero pinaunlakan din nya ang paanyaya ni tito at tita. At labis pa ang tuwa at kilig na naramdaman ko ng sa tabi ko sya umupo. "Let me." Inunahan ko sya sa pagdampot ng bandehado. "Ako na Lilliana." Aniya at akmamg kukunin sa akin ang bandehado pero agad ko iyong inilayo sa kanya. "Ako na." Nakangiting sabi ko at nilagyan ko ng sinangag ang plato nya. Binalik ko ang bandehado sa mesa at tiningnan ang iba pang pagkain na naroon. "Salamat." Tipid lang nyang sabi. "Anong gusto mo Gado? Itlog, hotdog, bacon, tapa or daing na bangus." Hindi sya sumagot pero ang mata nya ay nakatuon sa daing na bangus. Akmang kukuha sya noon pero inunahan ko ulit sya. Nilagay ko ang daing na bangus sa kanyang plato. "May iba ka pa bang gusto?" Tanong ko pa at muling tiningnan ang mesa. Doon ko naman napansin ang kakaibang tingin sa akin ni Tito Melchor at Tita Jacinta. Kinagat ko ang labi at umayos ng upo. Tumikhim naman si Gado. "Salamat Lilliana." Aniya at kumuha ng slice na kamatis. Napangiti naman ako. Ang sarap pakinggan ng pangalan ko sa boses nya. "You're welcome Dad -- este Gado. Enjoy your food." Magiliw na sabi ko at tinuloy ko na ang pagkain. Mas lalo pa tuloy akong ginanahang kumain dahil kasalo namin sya at katabi ko pa. Ang saya saya ng breakfast ko. Sana tuwing umaga laging ganito. "Kamusta ang anihan ng gulay sa bukid mo Gado?" Tanong ni Tito Melchor. "Maayos naman ho senyor. Magaganda ang ani ngayong taon." "Mainam naman." "Salamat sa mga pinadala mong gulay sa pinsan mo noong isang araw. Kuh, manamis namis ang bagong gulay dahil bagong pintas. Lalo na ang mga talong. Pinaihaw ko yun at ginawang ensalada. Napadami ang kain ko." Tuwang sabi ni Tita Jacinta. "Walang anuman ho senyora." Ani Gado sa pagitan ng pagsubo. All ears ako sa pakikinig sa pag uusap nila lalo na tungkol kay Gado. Meron pala syang taniman ng gulay. Gusto kong pumunta roon. "Nag offer ho sila ng sampung milyon para sa lupa. Mukhang desperado ho sila na bilhin ang lupang iniwan sa akin ng mga magulang ko. Pero tinanggihan ko pa rin sila. Hindi ako interesado sa pera nila. Mas importante sa akin ang lupa na iniwan sa akin ng mga magulang ko. Kahuli huling bilin nila na alagaan ko yun at huwag ipagbili." Sinubo ko ang kutsara habang nakatingin kay Gado na nagsasalita. Ang sarap kasing pakinggan ng boses nya at kung paano sya magsalita. "Tama yan iho, marami ng nauubos na lupang pananim dahil sa mga abusadong negosyante na gaya nila. Nagkukulang na nga ng mga supply ng gulay dito sa probinsya natin at kailangan pang mag angkat sa ibang lugar." Iiling iling na sabi ni t**i Melchor. Dati syang gobernador ng probinsya at umunlad ito noong sya ang nakaupo. Hindi na sya muling tumakbo dahil ayaw na ni Tita Jacinta. "At isa pa, ang lupa ay pwede mo ring iiwan sa mga magiging pamilya mo. Lalo na sa mga anak mo." Ani Tita Jacinta. Tumango tango naman si Gado na sang ayon sa mga sinasabi ni Tito Melchor at Tita Jacinta. "Tutal nabanggit na ng senyora mo ang tungkol sa pamilya at anak. Kelan ka ba mag aasawa Gado? O may plano ka ba?" Natigilan ako at napataas ang kilay sa tanong ni Tito Melchor. Tumingin ako kay Gado. Interesado akong marinig ang sasabihin nya. Pero medyo kinakabahan ako. Matipid na ngumiti si Gado. "Sa ngayon ho wala pa senyor. Hindi naman ho ako nagmamadali. Pero kung sakaling dumating ang babaeng para sa akin ay siguradong aalukin ko ho sya agad ng kasal." "Panigurado namang darating ang babaeng nakalaan para sayo iho." Saad ni Tita Jacinta. Tumikhim ako. Napabaling naman sila sa akin. Matamis akong ngumiti. "I'm sure nasa tabi tabi lang ang babaeng para kay Gado tito, tita. Malay nyo, malay nating lahat, nakikita na nya pala ito at nakakausap." Tumaas ang isang kilay ni Gado habang nakatingin sa akin. Lalo ko namang tinamisan ang ngiti at sinubo ang kutsara. "At sino naman kaya ang babaeng yun?" Natatawang tanong pa ni Tito Melchor. "Baka po -- " "Wala ho akong ideya Senyor Melchor. Sa ngayon ho ay wala naman akong babaeng pinagkakainteresan." Wika ni Gado at humigop ng kape. Bahagya naman akong napasimangot. Para ding may kumurot sa puso ko sa sinabi nya. Ibig sabihin wala syang interes sa akin. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD