Lilliana POV UMAWANG ang labi ko sa kaharap na lalaking nagpakilala sa akin. Isa syang third year engineering student at halatang kilala din sya dito sa university dahil lahat ng tao sa cafeteria ay nakatingin sa kanya, sa aming dalawa. Byron Fernandez ang name nya at 21 years old. One year ang tanda nya sa akin. Mestiso sya, maputi at halatang may sinasabi rin sa buhay. Yun nga lang may pagka maangas ang dating nya at mukhang pilyo talaga. Pero mukhang mabait naman. "I've heard a lot of things about you Lilliana. Don't worry mga good things naman. You're so popular kaya gusto kitang makilala para makita ko ang sinasabi nila. And.. mas higit pa sa mga sinasabi nila ang nakikita ko ngayon." Ani Byron at naging malagkit ang tingin nya sa akin. Titig na titig sya sa mukha ko. Nagtinginan

