Third POV SA malawak na bulwagan sa isang malaking bahay ng isang congressman ay nagtipon tipon ang mga bigating bisita, mga kilalang tao sa probinsya, mga pulitiko, celebrities at kung sino sino. Kaarawan ng congressman kaya bumabaha ng mga pagkain at mamahaling alak. Pero isang kilalang tao ang pinagkakaguluhan ng lahat. Ang nilalapitan ng mga bisita sa pangunguna na ng celebrant. "It's an honor na nakadalo kayo sa aking kaarawan Gov. Melchor. Akala ko ay hindi kayo makakadalo dahil alam kong sobrang abala din kayo ng gobernadora at ng anak nyo." Ngiting ngiting sabi ni Congressman Neston Canguiat. Masaya sya na dumalo ang hinahangaang gobernador. "Mapapalampas ko ba namang hindi dumalo sa kaarawan ng isa sa pinakamahusay na congressman sa kasalukuyan. Syempre hindi. Maligayang kaar

