Lilliana POV "HAY.. ang ganda ngayon ng mga mood ng mga estudyante dito university. Wala na kasi ang mga anay." Saad ni Roxanne. Nandito kami sa ilalim ng malaking puno ng akasya. Dito kami nagpapalipas ng breaktime habang ine-enjoy namin ang libreng pa-milk tea ni kagawad Rafael. Nanlibre sya dahil masagana ang bagong ani nilang palay ngayong taon. Masarap ang ihip ng malamig na hangin. Nakakarelax ng pag iisip. Ganitong klase ng hangin ang wala sa Manila. Dati ayokong tumira dito sa probinsya dahil boring. Mas gusto ko noon sa Manila dahil maingay, marami akong kaibigan at marami akong mapapasyalan at magigimikan. Pero ngayon ay nagugustuhan ko na rito. Hindi lang dahil kay Gado kundi dahil na rin sa mapayapang kapaligiran at sa mga bago kong kaibigan. "Oo nga, wala na ang mga br

