Hanggang ngayon nasa isip ko pa rin 'yung panaginip ko kanina. Labis itong kakaiba. Mukha itong totoo. "Isabella, nakikinig ka ba?" "P-pasensya na, ano ulit 'yon?" Napasinghap si Kriselda. Katatapos lang ng pag-titipon namin tungkol sa aming tutugtugin pag-sapit ng linggo para sa misa. "May bumabagabag ba sa iyong isipan?" tanong nito. Naglalakad kami patungo sa paborito naming kainan. Gutom na rin kasi kami. "W-wala naman." Pag-sisinungaling ko. Hindi naman importante ang iniisip ko. Isa lamang iyong bangungot. Tinignan niya 'ko ng masama. "Halatang nag sisinungaling ka Isabella." Pilit akong ngumiti. Ako pa ba. Ang alam ko eksperto ako sa pagtatago ng nararamdaman. "Wala namang dahilan para ako'y magsinungaling," depensa ko sa aking sarili. Sandali lang siya tumahimik. "Huw

