Nang matapos ang pag-uusap namin ni Kriselda ay saglit lang akong napatulala. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kanina. Kung hindi pa ako tinawag ni ina para kumain ng tanghalian ay hindi pa ako lalabas sa aking silid. Tahimik at walang nagsasalita ni isa sa amin ni ina. "Hindi pa rin po umuuwi sila Kristina?" Bigla kong naalala si Kristina. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila bumabalik, pero mas ayos na sa'king 'wag bumalik si amain, nag-aalala lang talaga ako kay Kristina. Uminom si ina ng tubig, bago nag-salita. "Kaninang umaga, naka-usap ko na ang amain mo. Doon daw muna sila mananatili sa lola ni Kristina," sambit niya, habang nanatiling nakatingin sa pagkain.. Hindi na muli ako nagsalita. Wala na akong masabi sa dami ng aking iniisip. "Anak, pagkatapos mong mag-pahi

