Taong 1800's sa lungsod ng Cayetana; kaharian ni Reyna Veruzka Alas-dose na nang gabi, pero hindi pa rin ako makatulog. Paulit-ulit tumatakbo sa isip ko ang pinataw kong desisyon kanina kay Helenus at sa kanyang sanggol. Nandito ako ngayon sa malaking silid kung saan ko inaayos ang mga gampanin ko sa kaharian at kung saan nagaganap ang usapan namin ng mga gwardya, at iba pang tagapamahala. Nakaupo ako sa upuan sa harap ng aking mesa habang pinagmamasdan ang pugon na medyo malayo lang sa akin ng kaunti. Napailing-iling ako nang sa pagtitig ko sa apoy na nanggagaling sa pugon ay naalala ko ang nasusunog na sanggol. "Mahal na reyna Veruzka." Napatingin ako sa pinto nang may kumatok. Isa pa ito sa dahilan kung bakit hindi pa ako makatulog. Inutusan ko ang isa sa aking mga gwardya na hal

