"Ginoong Mateo." Saglit akong sumulyap sa kanya bago muling tumingin sa kawalan. Wala akong masabi. Hindi ko alam ang aking sasabihin. May ibig sabihin nga kaya talaga ang aking panaginip? Naramdaman ko ang pag-upo niya sa aking tabi nang dumaplis ang kanyang binti sa akin. "Umiiyak ka nanaman," sambit neto, kasabay no'n ang pag-buhos ng sunod- sunod kong luha. Patuloy ako sa pag-iyak ngunit wala akong narinig na ni isang himig mula sa kanya. Hinayaan niya lang ako kung kaya't hindi ko na rin siya pinansin. Ang bigat na, ang bigat-bigat na ng dibdib ko at hindi ko na alam kung ano pang uunahin kong isipin sa sobrang daming tumatakbo sa aking isipan. Nang medyo huminahon na ang aking damdamin ay tumingin ako sa kanya. Nakatingin lang siya sa kawalan na tila walang emosyon. "Mateo,

