Chapte 1

1453 Words
Naglalakad at naghaharutan ang magkakaibigan na sina Lisa, Jennie, Joy at Rose sa hallway ng kanilang kumpanyang pinapasukan nang may makabangga na lalaki.. " Naku kuya pasensya na di ko sinasadya, kayo kasi napapakaharot nyo ehh(sabay tingin sa mga kaibigan).. Nakabangga tuloy ako.. Sorry ulet kuya "paghingi ng paumanhin ni Lisa Tango lang naman ang naging sagot ng lalaki. " Nagalit ata si kuya mong boy ateh!! Hala ka "Joy "nagsorry naman ako huh" Lisa "di yun!! tumango naman sya ahh.. ibig sabihin ok lng sa kanya girl! " Jennie "hayy naku tara na nga at magseselfie pa tayo sa CR.. maoover break na naman tayo neto ii.. yari na naman tayo kay madam V.. " Rose " mabuti pa nga.. "sang ayon ng lahat Edward POV " kahit araw araw mo ko banggain crush ok lng saken ".. sabay himas sa braso na nabangga kanina.. sa totoo lng naman nagulat at natameme talaga sya kanina.. ni hindi nga sya makatingin sa mata ni Lisa eh.. sa dami ba naman ng pwedeng bumangga sa kanya eh ung taong pinagpapantasyahan nya pa.. Oo crush nya nga si Lisa unang kita nya palang dito ay tinamaan na sya.. love at first sight ika nga.. dati hindi sya naniniwala na totoo yun pero nang makita nya si Lisa doon nya napagtanto na meron at totoo pala talaga ang love at first sight.. Unang kita niya palang kay Lisa ay bumilis na ang t***k ng puso nya.. ewan nya nga kung anong meron at ganun nalang ang epekto nito sa kanya. .Nasa ibang department s Lisa kaya nakontento na lamang si Edward sa pagtanaw mula sa malayo Magkasamang at masayang nag uusap ang magkaibigan nang may babaeng dumaan sa kanilang harapan. " pare kilala mo ba yun oh! tanong ni Edward kay Vince na kasama nya sa trabaho sabay tingin sa babaeng dumadaan sa glass wall ng department nila " ah yun ba?? si Lisa.. taga dyan lng yun sa katapat naten na department. bakit mo naman naitanong?? sagot ni Vince "parang tinamaan ata ako sa kanya pare.. unang kita ko palang sa kanya bumilis na agad t***k ng puso ko.. alam mo yun?? yung love at first sight?? ganun ang naramdaman ko sa kanya pare" " naku olats ka jan pare! may asawa na yan at taga dito din sa company naten.. " " ganun ba?? sayang naman.."malungkot na sagot ni edward dahil sa nalaman ni edward ay nawalan na sya ng pag asa sa babaeng nagugustuhan nya.. Lisa P0V " Mga marites nasagap nyo naba ang latest? ?may ililipat daw dito sa department naten papunta dun sa kabila ahh "pagbabalita ni Joy sa mga kaibigan "balita ko nga din. .sino kaya ang mmaeevict dito sa bahay ni kuya? ?" pagbibiro pa ni Rose "basta feeling ko hindi ako yun! ang sipag ko kaya pumasok at hindi ako mahilig mag leave. .ikaw mars? ?sino sa tingin mo? ?" baling ni Jennie kay Lisa " naku malakas ang kutob ko!siguradong sigurado ako at walang kaduda duda.. kasama ako sa maliligwak dito.. alam naman ng lahat na hindi kami magkasundo ng bruha nating supervisor.. hindi nya ako makontrol kaya pihado ieevict na ako nun.. asar na sagot ni Lisa " magpakabait kana kasi kay madam V, mars para hindi ka maligwak" auhestyon ni Joy "asa ka girl!! over my dead body!! manigas sya!! "nanggagalaiting sagot ni Lisa Makalipas ang isang buwan ay nagpatawag nga ng meeting ang visor nina Lisa para ibalita ang magaganap na lipatan. " Mga ateh, mga kuya.. lilinawin ko lang po huh na hindi ko kagustuhan ang mangyayaring lipatan.. ito po ay desisyon ng management kaya kung meron po kayong reklamo sa kanila po kayo magreklamo at huwag sa amin.. "pasimula ni madam V. "sinasabi ko ito sa inyo para wala nang gulatan na mangyayari pag inimpliment na ang sinasabing lipatan.. pero as of now wla pa naman sinasabi ang management na simulan na.. maybe a month or two bago to iimpliment "Ano po bang magiging basehan nyo sa mga ililipat sa ibang department?? baka naman po may personalan yan?? sarkastikong tanong ni Lisa "magbabase po kami sa performance nyo at meron din siguro ibang factor na iko-consider hindi pa lang namin napag uusapan nila sir. at tungkol naman po sa sinasabi nyong personalan, wala pong ganun na mangyayari. " sagot ni madam V "so ibig po bang sabihin nyan wala pa kayong napipili na ililipat? ?o baka meron na ayaw nyo lang sabihin??" hirit ni Lisa "wala pa po pero pag uusapan na din namin yon siguro sa mga susunod na araw. .may iba pa po ba kayong tanong? saad ni madam V "paano po kung halimbawa yung malilipat ay di naman deserving ilipat at ayaw nya magpalipat. paano po yun??" tanong ulet ni Lisa "well no choice kayo kasi kayo ang napili. .better yet i prepare nyo nalang ang mga sarili nyo. kesa naman mawalan kayo ng trabaho"sagot ni madam V "handa na po.!"pabalang na sagot ni Lisa Umalis na si madam V at nagsibalikan na sa kani kanilang pwesto ang lahat maliban sa grupo nina Lisa na pumunta sa gilid at pinag usapan ang tungkol sa meeting. "haayyy naku ka talaga mars!!pinakita mo na naman ang pagiging maldita mo. .talagang maeevict ka nyan sa ginagawa mo"sita ni Joy kay Lisa "alam mo mars kahit magbait baitan ako sa meeting kanina ang ending nun kasama paden ako sa ililipat..kaya mas mabuti nang prankahin ko kesa naman magsawalang kibo..makabawi man lang ng bahagya..tsaka care ko eh totoo naman yung mga sinabi ko..ihahanda ko nalang ang sarili ko sa magiging lipatan. .kesa naman aasa ako na hindi ako kasama edi masasaktan lang ako. .tanggap ko na! "asar na sagot ni Lisa "hayaan mo na kung malipat ka anjan ka lang naman sa tapat oh..magkikita paden tayo..kesa naman mawalan ka ng trabaho.."pahayag ni Jennie "oo nga beh..mas maige na yun at isa pa atleast di mo na makikita si madam V...kaso mamimiss ka namin"malungkot na sabi ni Rose Buntong hininga lang ang naging sagot ni Lisa..Alam naman nya na makakasama sya pero wala pa man ay nalulungkot na sya. .Kung magkataon mahihiwalay sya sa mga kaibigan nya.. Edward POV "Ate Tin balita ko may ililipat daw dito sa department naten huh"tanong ni Edward sa leader nila na si Tin "saan mo naman nasagap yang chismis na yan huh? ?kalalaki mong tao marites ka"sagot ni Tin "Dun sa kabilang department..narinig ko kasi nung dumaan sila na may ililipat daw dito sa atin eh. "paliwanag ni Edward "Oo meron nga pero hindi pa sure kung kailan kasi humihina daw ang gawa nila dyan sa kabila at lalakas daw ang gawa naten dahil maraming iloload ang customer natin..kaya kakailanganin naten ng tao.."pahayag ni Tin "Ahh ganun ba..?"sagot ni Edward "Oo ..hala magtrabaho ka na dyan at kailangan mo pa mag output..marami tayong mga lote na hinahabol. sabi ni Tin Habang nagtatrabaho ay hindi mawala sa isip ni Edward ang narinig na usapan ng grupo nila Lisa..At napasabi sya sa sarili nya na sana isa si Lisa na mapalipat sa department nila nang sa ganun ay magkaroon sya ng chance sa babae.. Oo alam nya na may asawa na ito at kasal na pero di nya paden mapigilan ang sarili..talagang tinamaan sya dito at gagawin nya ang lahat magkaroon lang ng chance sa puso ng babaeng magpatibok sa kanyang torpeng puso. Lumipas ang mga araw at nakontento nalang si Edward sa lihim na pagsulyap at pagtingin sa lihim nyang minamahal..Ginawa nya ang lahat para lang lagi nyang makita si Lisa..Nandoong makipagpalit sya ng breaktime at kumain mag isa makasabay lang sa canteen si Lisa..Magpaqualified sa station malapit sa glass wall nila pra lang masilayan nya ito kahit marami sa mga katrabaho nya ang nagtataka bakit nya yun ginawa dahil kinakaayawan ang pwesto na yun dahil masyadong maraming ginagawa..Wala eh sadyang tinamaan talaga sya.. May mga pagkakataon pa nga na nahuhuli sya ni Lisa na nakatingin pero syempre dahil nga torpe kunwari dedma lang sya.. Meron ding pagkakataon na nagkasalubong sila sa hallway..Gusto nya sana itong ngitian pero dahil nahihiya sya kaya nang magkaharap na sila ay tumungo nalang sya..Napakahina nya talaga pagdating kay Lisa.. Lahat ng nasa isip nya at ideya nya na gagawin ay nawawala pag nakikita nya na ai Lisa.. " Haaayyyyyss Edward!! napaka torpe mo talaga! Pano ka makikilala ni Lisa kung lagi kang ganyan. Lakasan mo ang loob mo.. dapat sa susunod na magka salubong kayo ngitian mo na. Malay mo yun na ang maging simula. "sita ni Edward sa sarili Ngunit sa dami ng pagkakataon na nagkakasalubong sila ni Lisa ay hindi nya naman nagagawa ang iniisip nya..Lagi nalang syang mumuyuko o kung hindi man ay bumabalik sya pag nakikita nya na magkakasalubong sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD