The kidnapper

1190 Words

[Grant] KANINA pa siya nakatingin sa natutulog na si Kiara. Nakatulugan nalang nito ang pag iyak at paghahanap sa anak nila. Kinuha niya ang kwintas na pinagawa pa niya at isinuot sa leeg ni Kiara. Hinalikan niya muna ito sa noo bago umalis. Hindi siya titigil sa paghahanap sa anak nila. Pangako niya kay Kiara ang bagay na 'yon at tutuparin niya 'yon. Kinuha niya ang cellphone ng tumunog. "Any lead?" Agad na tanong niya sa Uncle niya. "Wala pa rin hanggang ngayon, Grant." Sagot ni Uncle Paul. "Siya nga pala, bakit pinapasubaybayan mo si Walter Somana? Kapatid siya ni Miss Kiara, di'ba? Bakit naman niya kikidnapin ang sarili niyang pamangkin?" Pag uusisa pa nito. Hindi siya sumagot. Ayon kay Kier ay walang dapat makaalam ng mga sinabi nito tungkol sa pagkabaliw ng sariling kapatid

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD