HUMIGPIT ang hawak ni Wilbert sa kamay ng asawang walang malay na nakahiga sa kama. Matagal nilang itinago ang sekretong 'yon sa kanilang pamilya, ang hindi nila alam ay kung paano 'yon nalaman ng kanilang anak na si Walter. [[[FLASHBACK]]] "Sigurado po ba kayo na si Heart ang gusto ninyong ampunin? Marami pang ibang bata na narito, Mrs. Somana—" "Siya ang gusto namin, Sister Monica." Putol ni Kendra rito. Tumingin ng puno ng pagmamahal si Kendra sa hawak na sanggol. "Hindi ba't napakaganda niya, Wilbert?" Ngumiti ang sanggol kaya naman lalong tumalon ang puso ng mag asawang Kendra at Wilbert sa tuwa. Matagal na nilang pangarap na magkaroon ng babaeng anak. Sumubok sila ng ilang beses ngunit palaging bigo. Palagi nalang nalalaglag ang ipinagbubuntis ni Kendra. Kaya ngayon ay nagd

