[Someone] "Nakita mo na, Belinda? Mana ang babaeng 'yon sa kanyang ina!" Hindi maipinta ang mukha ni Graciela habang nasa isa silang restaurant ng kaibigang si Belinda. Pagkagaling nila sa Salon ay dito sila dumiretso. "Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na magkaroon ng isang apo na hindi ko naman kadugo! Nabilog na ng putang 'yon ang utak ni Grant!" "Gracie, wag ka naman ganyan kay Kiara. Sa ayaw at sa gusto mo ay mapapangasawa na siya ni Grant kaya tanggapin mo nalang. Saka maniwala ka sa akin, mabuting bata si Kiara." Ngunit kahit anong paliwanag ni Belinda ay walang pakialam si Graciela. "Hindi mo ako naiintindihan, Belinda. Sigurado ako na pera lang ang habol ng babaeng 'yon sa anak ko! Tinakwil na siya ng mga Somana kaya naman naghahanap ang babaeng 'yon ng makakapitan, kumbaga par

