[SOMEONE] SA isang kwarto ay galit na galit ang isang lalaki. Hindi siya makapaniwala na maiisahan siya ng magulang niya at maikukulong sa isang silid kung saan marami ang nakabantay sa kanya. Hindi lang basta kwarto ang lugar na 'to, kundi isa pang kulungan para sa tulad niya! "Kiara! Kiara! Kiara!" Tila baliw na sigaw ng lalaki. "Putang ina niyo! Sinabi ko naman sa inyo hindi ba?! Sa akin si Kiara!" Sabay halakhak ng malakas. Dumating ang isang babae, saglit niyang pinagmasdang ang lalaki. "Paano ka makakalabas ng kwartong 'to kung baliw ka pa rin hanggang ngayon? Wag ka nalang umasa na makakalabas ka rito... dito ka nalang at habangbuhay na maging pasyente ko, gwapo ka naman at masarap kaya hindi ako magsasawa sa'yo, hahaha!" Ani Tanya at katulad ng lalaki ay tila baliw na tumawa

