Hanggang ngayon, hindi pa rin siya pinapansin ng asawa. They are not in good terms and it makes him crazy. Ayaw niyang lumilipas ang isang araw na magkaaway sila. Hindi siya sanay na hindi siya pinapansin nito. Meaning, kahit naiinis ang asawa niya sa kanya sa tuwing nilalambing niya ito, bumabalik naman sa kanya ang paglalambing nito ‘di kalaunan. He could see the despair in her eyes. Alam niyang gusto nang makipagbati ni Charity sa kanya. He just have to do something to gain her again. Alam niya namang ang pakikipagbati kay Eniessia at sa AL ang makakapagpabalik kay Charity sa kanya. Kahit hindi man siya nagsasalita, he could feel her anger with him. He looked at the beautiful woman beside him. Kita niyang tutumba-tumba na ang ulo nito dahil sa antok. Inalalayan niya ang asawa at saka

