Hindi na nila kinaya ang sakit na nararamdaman. Matapos nilang malaman ang balita ay agad silang umuwi ng Pilipinas mula sa Paris. Pareho silang wala sa sarili kaya buti na lang, nagpadala ng helicopter si Trevor para sunduin silang dalawa. Wala silang usapang sumakay sa helicopter at walang buhay din silang bumaba roon. Dinala sila nito sa activity area ng village kung saan sila nakatira. Gloom was all over the place thus they felt the dark ambiance of the area. Naunang bumaba si Charity at doon bumungad sa kanya ang malaking larawan ni Don Santiago na tila nakangiti sa kanya. Agad na bumigay ang puso niya nang makita ang mukha nito at piniling tumalikod na lamang upang hindi makita ng asawa ang panghihina. She knows that he needs her right now. Kailangan niya ng panghuhugutan ng lakas

