Paint Cenery PANGATLONG araw na naming pinaghahanap si Coco pero hanggang ngayon ay wala pa rin kaming nakikita kahit hibla ng buhok niya. Tatlong araw na rin ako madalas puyat, hindi kumakain at inuumaga na kung umuwi kaya galit na galit saakin si Gracielle at Roi kasi nga masyado ko ng pinababayaan ang ibang kapatid ko pati na rin ang sarili ko. Sino ba naman ang makakapag pahinga ng ayos at makakain kung walang aksiguraduhan kung nasa mabuting lagay ang kapatid ko lalo na pa naman Autistic siya. Ni hindi pa rin ako bumibisita sa hoslital dahil wala akong mukhang ihaharap sa magulang ko. Si Ella lang madalas ang pumupunta kina Tatay para balitaan, syempre pahirapan na naman sa sitwasyon ni Tatay. Gusto niya talagang tumulong na hanapin si Coco mabuti nalang at napapakalma siya ng mga

