Chapter 6 (PART 2)

3302 Words
"What the hell? Magtanong ka Isa isa lang." naging blanko ang expresyon ko sa sobrang inis. "Tanga ka dong? Pwede mo namang sagutin isa isa 'yan. Obob ka na Ogag ka pa." umigting ang panga niya at inis nitong sinuklay ang buhok niya gamit kamay niya. "What's with that language?" "Sagutin mo nalang." nabuburyo kong usal. "Tss, you'll discharges later---." pinutol ko na ang saad niya dahil english na naman. "Kulit din ng tubol mo no? Kakasabing h'wag mag english!" nginiwian niya ako dahil 'di niya na naman ako gets. "Tubol?" bakit ba kapag nagtatagalog siya ang ganda ng accent niya? Hindi pangtagalog pero maganda pakinggan at hindi barok. "Bakit angdami mong tanong? Dapat ako magtatanong 'diba?" mataray kong usal kaya bumuntong hininga siya. "Tss, lalabas ka na mamaya dahil wala ka namang seryosong injury, mamayang paglabas mo ay makikita mo sila dahil ihahatid sila ng mga tauhan ko dito."napatango tango nalang ako at talagang gumaan ang loob ko sa nalaman ko pero wait lang dito? Sa AKG ihahatid? "Eh 'yung tanong kong damay na ba sina Mamsh at kailangan ako makukulong, pagkatapos ba ng pakikipagkita ko kina Tatay? Anong ibig sabihin mong sabihinz na ipapahatid mo sila dito?" kunot noong saad ko sakaniya pero nagseryoso lang ang mukha nito. "We'll help your father and sibling." napakamot ako sa ulo ko na kanina ko pa pinipigilan dahil baka isipin may kuto ako. "Anong ibig mong sibihin? Pabitin ka paksyet ka." prangka kong sambit kaya binigyan niya ako ng matalim na tingin. Bakit kapag gray na eyes ang sumasama ang tingin saakin parang nakakaakit? "Stop cursing, I hate woman curser lol." hindi makapaniwalang tinignan ko siya dahil kala niya at hindi ko rin siya hate. "Aba'y g-go ka pala eh, kinamusta mo 'ko kung gusto ko ang mga katulad mo? Hate ko rin ang mga lalaking englishero ulol!" malutong kong usal kaya umigting ang panga at pinaukutan ako ng mata. "Let's go back to the topic, I hate arguing with you, so nonsense. Tss. I'm a part of a foundation that owned by Rare the AKG charity foundation and he's also owned the AKG General Hospital." nanlaki ang mga mata ko dahil 'yan palang sinadsbi niya nagegets ko na ang gusto niya iparating. Totol ba 'to? "H'wag---."magkokomento sana ako pero pinigilan niya na ako. "Let me talk first." tulala ako sakaniya na naapatango tango. "Ililipat natin ang tatay mo sa AKG General Hospital, walang babayaran na kahit ano, mapa sa chemotheraphy at mga gamot niya pa samantalang ang mga kapatid mo ay magiging scholar. Ililipat namin sila sa private school next school year, hindi pwede ngayon dahil malapit na matapos ang klase pero sasagutin ko na ang lahat ng expenses nila sa school.." nagwala ang buong sistema ko sa sinabi niya. Syempre masaya ako pero nakapagtataka lang. "Bakit mo ginagawa 'to?" gulat na tanong ko sakaniya kaya pinagtaasan niya ako ng kilay. "You don't want? AKG Charity Foundation was made for the people that's-----." pinutol ko na ang sasabihin niya dahil hindi 'yun ang gusto ko marinig mula sakaniyam "Ang ibig kong sabihin, ninakawan na kita? Bakit tutulungan mo ako? Naawa ka ba saakin?" blanko ang exresyon niya samantalang ako puno ng pagtataaka. "Not to you." siguro nga naawa siya sa pamilya ko dahil sa sinabi ko pero kung maawa na nga lang siya aba lubos lubosin na dapat. "Aba, kung maawa ka nalang naman eh lubos lubosin mo na h'wag mo na akong ikulong pati na rin sina Mamsh Jorgie!" giit ko kaya kin pinanliitan niya ako ng mata. "You really think I will do that?" sarkastikong usal niya kaya pilit kong inabot ang kamay pero iniwas niya lang. "Babayaran nalang kita pangako! H'wag mo lang ako ikulong. Gahawin ko ang lahat ng gusto mong pagawa! Gawin mo 'kong slave! H'wag lang s*x slave!" nagulat siya sa sinabi ko na para bang nandidiri. "s*x slave? What the hell are you thinking?!" nakangiwi at hindi makapaniwala niyang usal kaya napanguso ako dahilan para magbago ang expresyon niya. "Aba, gano'n naman kaya lagi sa mga nababasa ko sa pocket book! 'Yung mayamang lalaki ginagawang s*x slave 'yung mahirap pero magandang babae!"totoo naman kasi 'yung mga hinhiram kong pocket book sa kapitbahay gano'n 'yung nababasa kong mga eksena kapag may mahirap na may atraso sa mayaman. "I understand that reading is your escape to reality, but never forget that fiction is different from reality. Learn to limit your imagination." napanguso nalang ako dahil ayan na naan siya sa English niya na sobrang bilis. "And besides, maganda ka ba? Why would I choose you to become my s*x slave huh? Ni humalik nga 'di ka marunong sa kama pa kaya. Tss." nanlaki ang mata ko at biglang nagalit ang sistema ko sa pangiinsulto niya sa halik ko. Ang kapal ng mukha, batong bato na katulad ng pangalan niya ang mukha nito sa sobrang kapal. Ako pa 'di marunong eh kamuntikan na nga ako mamatay kasi nawawalan na ako ng hininga dahil ayaw niya ako pakawalan sa halikan namin. "Wow, kala mo ikaw gwapo? Aba syempre kung magiging s*x slave na rin naman ako papayag ako sa mayaman at gwapo! Hindi sa'yo! Panget mo na nga tapos hindi ka rin marunong humalik! Tapos iinsultuhin at yayabangan mo pa ako? Ni hindi ka rin naman marunong sa kama pa kaya? Ulol!" nginisian niya ako kaya mas lalong lumagabog ang puso ko dahil parang may pakiramdam akong mali sa ngisi niyang 'yan. "Really huh? Then let's see, kung sino ang talagang hindi marunong saating humalik." lumapit siya ng bahagya kaya napaurong agad ako sa kinauupuan kong kama. "Chansing ka!" sigaw ko kaya naginit ang pisnge ko. "Pero sige, kung sino ang unang magpaungol saating dalawa siya ang magaling na kisser!" aba self, rupok ka ghorl? Gusto mo rin magpahalik ha. Sh-t . Tumawa siya ng nakakainsulto kaya napatanga ako. "Seriously? I'm just kidding, kumagat ka naman agad sa pain. You really want my lips huh? Oh c'mon umamin ka ng nasarapan ka sa halik ko.." nginisian ko rin siya para hindi halatang gusto ko talaga. "Sus, takot kalang eh. Alam mo kasing bibigay ka sa halik ko kaya ayaw mongpumayag. Loser ka! Ako ang best kisser!" nag lagay pa ako ng loser sign sa noo ko dahilan para mailing iling siya. "What a hokage moves lol, then fine. The first who moan is the loser." diretso ang tingin niya saakin at pumungay ang mga mata niya. Wala na akong nagawa nang unti unting lumapit ang mapangakit niyang mukha saakin hanggang sa naramdaman ko ang mainit niyang labi na dumampi saakin labi. Nakapikit ang kaniyang mga mata habang ang akin ay dilat na dilat. Nakaramdam na ako ng paghihina kaya pinikit ko ang mga mata ko at pakiramdam ang init ng nararamdaman namin. Kakaiba ang sensasyong binibigay niya sakin. Kakaiba siya humalik na para bang bawat kibot niya sa aking labi ay parang pagtangay sa akin papuntang alapaap. Dinaramdam namin ang init ng bawat sandali. Nagkahinang ang aming mga labi, gumalaw ang aming mga labi. Ipinatong ko ang kamay ko sa kaniyang leeg habang ang kaniyang kamay ay bumaba sa bewang ko ang kamay. Hangang sa naging mapusok at mapaghanap na bawat halik na aming pinagsasaluhan. Ramdam kong pinasok nito ang dila sa aking mga labi na tila may hinahanap. At nang magkatagpo ang aming dila, aba'y syempre warrior ako, tila nagkaroon ng world war 3 sa klase ng aming pag-iespadahan ng dila namin. Natigil kami sa ginagawa namin siya ang unang humiwalay at sa paghiwalay naming dalawa ay tila may anong kuryenteng dumaloy sa akin para muling tikman siya. Nais ko siyang sunggaban muli hanggang sa aking huling hininga, na para bang wala ng bukas. "D-mn it.." mura niya habang natutulala kahit pa na hindi siya umungol ay matic na talo siya. "Oh boom! Talunan ka! Hahaha.."mayabang na saad ko pero hindi niya ako pinansin at sa halip ay tinalikuran at tuluyan na nag walkout kaya napakamot ako saaking pisnge. "Lah, anong problema nun? Hoy Captain Bato!" tawag ko pero tuluyan na siyang nakalabas ng kwarto. °°° TAHIMIK kaming dalawa ni Captain Roks havang naglalakad papunta ng room kung nasaan nakadmit si Tatay sa second floor.Na discharges na kasi ako at sakto namang naihatid na sina Tatay at Nanay dito sa AKG. Ang lawak lawak at ganda ng hospital na 'to dahil private tapos lahat daw ng doctor dito bigatin at magagaling. Simula nang mag walk out siya kanina hindi niya na ako pinapansin. Parang biglang naging kasing tigas siya ng bato at kasing lamig ng yelo. "Captain Bato." tawag ko sakaniya dahil may papakiusap sana ako. Lumingon siya saakin at pinagtaasan ng kilay. "P-pwede bang h'wag mo munang sabihin kay Tatay 'yung tungkol sa ginawa kong krimen kay Nanay nalang muna please? Mas lala kasi ang sitwasyon niya kapag nagkataon." pinanliitan niya ako ng mata habang umiigting ang panga nito. "Your father doesn't know about your wrong doing huh?" napatango tango ako kaya napangisi siya at inirapan ako. "Hindi po Captain Bato, please parang awa n'yo na h'wag n'yong sasabihin." hinawakan ko ang kamay kaya masama lang 'tong tumingin saakin. "You're bad influence, you're teaching me how to lie. Lies is not againts to the criminal and civil law but it againts and violated to God’s law. According to Proverbs 6:16-19 there are six things the Lord hates, seven that are detestable to him: haughty eyes, a lying tongue, hands that shed innocent blood, a heart that devises wicked schemes, feet that are quick to rush into evil, a false witness who pours out lies and a person who stirs up conflict in the community.Interestingly right? These verses differentiate between' a lying tongue and 'a false witness who pours out lies.' The God was so vehemently against lies in general and false witness such us gossiping, lying in court, lying in a way that hurts others and all about lying that Proverbs includes them as two out of seven things that the God hates." napangisi nalang ako dahil masyado palang maka Diyos ang lalaking 'to. "Talaga lang ha, kung mabuti 'yang Diyos n'yo bakit ayaw n'yang may nagisinungaling para sa ikabubuti ng isang tao? Ano gusto niya nalang na masaktan at mas lumala ang sitwasyon?" sumeryoso ang tingin niya saakin na para bang hindi siya kumbinsado sa sinabi ko. "Ah so you're talking about 'White lies' if against the goodness that will glorify Him? If the lie doesn't hurt anyone, does it even count? What if it would hurt a person to tell them the truth? That's your question in your mind?" napatango tango nalang dahil sa pagkakataong 'to malumanay at mabagal siya magsalita. Huminga siya ng malalim habang papasok kami ng elavator. May pinindot na kung anong button. "Even though the world excuses some lies because they're trivial for the purpose of not hurting someone's feelings the Bible tells us something different about lies in general. Simply put, lying is a sin. It may be hard, but we still need to tell the truth. Don't turn around in circles with the truth; it will only confuse you when lies have to cover up other lies. Lying is never something good or righteous. If those white lies were to be found out, then you would be known as a liar and your word would be disreputable. Telling a white lie to benefit oneself is nothing but selfishness. " ayokong ng makipag away sakaniya dahil alam kong magkakaroon ng tensyon kapag patuloy pa kaming nagdebate tungkol sa paniniwalang 'yan. "Magkaiba tayo ng paniniwala kasi wala akong tinuturing na Diyos at wala akong susundin sa batas ng Diyos niyo dahil alam ko sa sarili ko na para sa kabutihan ang gagawin ko para magsinungaling ako. Nirerespeto ko paniniwala mo sana maintindihan mo rin ang akin." malamig kong usal dahil masyado akong insensitive kapag Diyos ang pinaguusapan kasi nga wala akong Diyos na tinuring. "Pero kung hindi ka talaga makakapag sinungaling. Ok lang naman, sabihin mo na tutal makukulong na nga pala ako malalaman niya rin." ngumiti ako ng mapait at nauna ng maglakad sakaniya tutal alam ko naman ang number ng private room niya. Hindi rin nagtagal ay nahanap ko na, hindi na ako kumatok pa at pumasok nalang dahil ayokong makasabay si Roks. "Nay." tawag ko kay Nanay na enjoy na enjoy sa mga gorcery habang inilalagay sa maliit na ref na nandito sa room na 'to. Nilingon ako ni Nanay at agad na nanlaki ang mga mata niya, ang akala ko saakin siya lalapit pero sa likod ko pala. "Kayo po ba si Dr. Rare? Kayo po ba ang tumulong saamin?" tanong ni Nanay. Bumuntong hininga nalang ako atsaka lumapit sa natutulog kong tatay. "No Ma'am, I'm Roks Montego." puno ng galang na usal ni Captain Bato, tinignan ko si Nanay na sobrang saya kaya hindi ko alan kung anong mararamdaman ko. "Isa ka rin sa mga tumulong hindi ba? Salamat ng sobra." hindi ko na sila nilingon pa at hindi ko nalang inalis ang tingin kay Tatay na mukhang comfortable sa magandang hospital bed. "Wala pong anuman, ang layunin rin po namin ang tumulong sa mga taong nangangailangan." bakit kapag kausap si Nanay tagalog ang gamit? Saakin nag e-english pa siya! Ang unfair. "Dionisio, gumising ka riyan at magpasalamat ka kay Ser Roks." pinigilan ko naman si Nanay dahil tinatapik nito si Tatay. "Nay nagpapahinga na si Tatay---." pero bago ko pa siya tuluyan pigilan ay biglang bumukas na ang mata ni Tatay at agad naupo sa pagkahiga kaya inalalayan ko na. "Magandang gabi ho, ser maraming salamat sa pagtulong n'yo saamin at nalaman ko pa hong gagawin n'yong scholar ang mga anak ko maraming maraming salamat." naiiyak na saad ni Tatay kaya kumuha agad ako ng tissue sa tabi at mabilis na pinunsan ang luha ni Tatay. "Roks nalang po, saka sino po bang nagsabing walang bayad ang kabutihan ginawa namin sainyo?" kumunot ang noo ko at nilingon si Roks dahil nakangiti 'to kay Tatay. Anong ibig sabihin niyang maya bayad? "May bayad po 'yun Sir Dionisio, alam n'yo kung ano?" nakangiti pa rin na usal ni Roks kaya nagtaka kaming tatlo. "P-pera po?" nauutal na tanong ni Tatay pero umiling lang 'to. "Hindi po Sir, certificate that you're 'Cancer free' mag pagaling ka lang po bayad na bayad na kayo." napangiti naman ako ng matamis sa sinabi ni Roks, aba ang bait niya sa magulang ko pero saakin ang sungit pero enebe, dagdag pogi points na siya ha. "Salamat hijo." "Paano ba kayo nagkakilala ng anak kong si Paint? Naging magkaklase ba kayo? Nakita mo ba siyang pagala gala sa daan?" puno na pagtatakang tanong ni Nanay dahil ang alam niya ay makukulong na dapat ako. "Can we talk outside Ma'am?" magalang na tanong ni Roks kaya kinunotan ko lang ng noo ito pero 'di niya ako pinansin. "Oo naman.." malambing na saad ni Nanay saka sila lumabas kaya napabuntong hininga ako at lumingon kay Tatay. Niyakap ko siya ng sobrang higpit. "Tay, kamusta ka na. Miss na miss na kita pasensya na kung hindi ako nakadalaw kahapon ha naghanap kasi ako ng raket ih." pagsisinungaling ko dahil ayaw ko pa rin talaga sabihin sakaniya tiyak lala lang ang sitwasyon niya kapag nalaman nito. "Naiintidihan ko anak, dapat nga ako ang humingi ng pasensya--- "umiling ako at niyakap lang sobrang higpit si Tatay. "Oh ayan ka na naman po.." nakanguso kong sambit kaya natawa siya at hinalikan ang noo ko. "Maraming salamat anak, pangako kapag gumaling na si Tatay magpapahinga ka na at magaaral muli.." "H'wag n'yo na pong intindihin 'yun Tay, kumain na ho ba kayo?" pacute ko pa rin na usal kay Tatay. "Aba'y oo, andami ngang pagkain dito eh. Paano mo ba nakilala 'yang batang 'yan? Hindi ka ba nagbebenta ng kwatan d'yan?" natawa naman ako habang lumalaki ang mga mata ko. "Hala Tay hindi no! Hinding hindi ako papayag! Alam mo 'yan." napalunok naman ako kasi naman kahit gwapo 'yan hindi ko bibigay katawan ko sa lalaking 'yun. "Grabe ka naman kung makapag react, nobyo mo---saglit nga lang ano 'yang sugat sa kamay at noo mo?" nataranta naman ako dahil hindi ko naisip na paniguradong mapapansin nito ang mga sugat ko. "Hindi ko po siya boyfriend at etong sugat na 'to ay siyang dahilan bakit nakilala ko 'yun, nakita n'yo naman oo siya 'diba andaming sugat? Tumatakbo po siya nun tapos nagkabangaan kami tapos gumulong 'yun sugatan. Sabay kami nagpagamot hanggang sa nakapag kwentuhan ng konti." Writer talaga ako eh, hilig ko talagang gumawa ng mga kwento. Basic na saakin ang magsinungaling lol. "Aba'y d'yan nagsisimula ang lahat."binigyan ako ng malakong ngiti ni Tatay kaya napabusangot nalang ako. "Tay, alam mo naman ang estado namin dalawa. Mayaman at Mahirap. Gwapo siya at panget ako. Nakapagtapos siya at ako hindi. Baka kapag naging BF ko 'yun maraming hadlang lalo na 'yung parents niya 'yung parang teleserye ba." natawa lang 'to ng pagkalakas lakas at ginulo nalang ang buhok kom "Napaka lawak ng inahinasyon mo, hindi naman lahat ng mayaman hindi tinatanggap ang mahirap na asawang lalaki." napailing iling agad ako at dahil hindi ako kumportable sa topic namin. "Ang panget topic natin tay, maiba nga tayo. Nabisita ba kanina si Roi sainyo kanino o kahapon?" tanong ko dahil tiyak hindi niya pa alam na nilipat si Tatay pero paniguradong alam niya ng nahuli na ako. "Kahapon bumisita siya ang sabi eh may trabaho ka pa nga raw.." napatango tango nalang ako. Naguspa pa kami ng nagusap at makalipas ng isang oras ay pumasok na sina Nanay at Roks. Malaki ang ngiti saakin ni nanay kaya kinabahan agad ako. Binenta na naman kaya ako ni Nanay? Binugaw niya ba ako? "Pasensya na po Sir, hindi na po ako magtatagal may kailangan pa po akong asikusuhin.." nakangiting usal ni Roks pero hindi niya ako nililingon. Galit siya saakin dahil ba sa kanina? Hindi niya na talaga ako pinanasin. "Ok lang salamat muli hijo, kapag ako'y lumakas lakas ipagluluto kita ng mga potahe."masiglang sambit ni Tatay kaya tumango lang si Rok. "Salamat po, alis na po ako.." pinanood ko ang paglabas ni Roks at nakakapagtaka lang na hindi niya ako sinama. "Sundan mo 'yun. Ihatid mo." napadaing ako nang kurutin ni Nanay ang tagiliran ko kaya nabuntong hininga ako lumabas na para sundan siya. Napatakbo pa ako nang makita kong malaki ang hakbang niya."Why are you following me?" nakataas na kilay na tanong nito. "Huh? Hindi mo pa ba ako ipapakulong?" tanong ko sakaniya kaya tumigil siya sa paglalakad at itinabi ako sa gilid. "You're too excited to go to the jail huh?" sarkastikong usal nito kaya napabusangot ako. "Hindi no! Ang akala ko kasi after kong makita sina Tatay papakulong mo na ako?" bumuntong hininga siya at malamyos akong tinignan. "I will not send you the jail.." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya dahil hindi talaga ako makapaniwala. "Huh? Bakit?!" "Ayaw mo?" nakataas na kilay na tanong nito pero mabilis lang akong umiling. "Hindi sa gano'n bakit biglang ayaw mo na ako ipakulong?" puno ng pagtatakang usal ko kaya umigting ang panga niya at pumungay ang mga mata nito. "Ofcourse there's a condition for not sending you and your boss to the jail."napaawang ang labi ko dahil bigla akong kinabahan, grabe 'yung t***k ng puso ko. "Ha ano?" "3 condition." madiin na sambit niya at talagang nakakapangilabot ang boses niya. "Pabitin ka naman! Ano nga?" napalunok ako dahil hindi ko maipinta ang magiging expresyon ko. "First, you'll stop doing illegal things, second you'll continue your study next school year, college right?" nanlaki ang mga mata ko at sobrang gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya. "Ang pangatlo?" excited na tanong ko kaya kaya mas sumeryoso ang mukha nito at unti unting nilapit ang mukha sa tenga ko. "Be my Kiss Slave."bulong niya kaya sobrang nangilabot ang sistema ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD