Nakilala KO si Ralf sa isang department store na aking pinag ta trabahuan sya ay matangkad Maputi gwapo matalino magaling mag gitara at higit sa lahat may takot sa diyos.... mga katangian na ang Ilan dito ay wala SA aking ex boyfriend ko na si James .....
kahit kailan kase Hindi KO naranasan Kay James ang haranahin o kantahan gamit ang gitara ,, Hindi KO Rin sya madalas makitang mag Simba Hindi Rin sya katangkaran at lalong Hindi Rin sya malinis sa kanyang katawan... mabilis ang mga pangyayare sa Amin ni Ralf Una naming pagkikita sa labas Kami ay nagtagpo sa loob ng simbahan,, nandon ang kilig at saya hinding Hindi KO makakalimutan ang pagkakatayo nya Doon mula SA kanyang likuran nakita ko sya na nakasuot Ng puting T shirt .aninag panga ang kanyang bimpo sa likuran naka green syang short at naka sapatos.. sa madaling salita ang gwapo nya nung araw nayon..
umupo muna Kami SA upuan Ng simbahan at habang Kami ay mag katabi binati nya ang pagkaka ayos Ng aking buhok na sya namang nagpakilig sa akin at pasimple akong Napa ngiti.
Hindi KO alam Kung ano ang pumasok SA aking isipan at bakit ako napapayag na pumasok at mag check in sa malamig na lugar ..sa isang motel.. pangit Kung iisipin na ang isang babae ay pupunta sa motel sa kanilang unang pagkikita ..ngunit ganoon nga ang nangyari.
ang tanging NASA isip ko nung oras nayon kapag lumabas ako Ng motel at Hindi nya ko pinilit galawin o pagsamantalahan manlang..nararapat ko na siyang pagkatiwalaan at sagutin.. habang Kami ay NASA loob Ng apartel Kami ay nag kwentuhan Ng aming mga nakaraan sa buhay nanood Ng TV may mga oras na nagaaya sya ngunit Hindi KO talaga sya pinag bigyan isang halik ang kanyang pinakawalan isang halik na nag paint Ng paligid ngunit gayon paman nanatili akong kalmado at Hindi nag padala sa agos.
lumabas Kami Ng apartel na tanging matamis na halik lamang ang kanyang napala mula SA akin...masaya at puno Ng kilig ang araw na iyon.. natutulog akong sya ang laman Ng aking isipan Tila Hindi ako pinapatulog Ng aking kasiyahan..lumipas pa ang mga buwan at naipakilala na namin ang isat isa SA aming mga pamilya
sya ay pangalawa sa pitong magkakapatid at sya Lang ang nag iisang lalake sa mga Ito... puro babae Pala ang magiging mga hipag ko pag nagkataon... Yan ang tumatakbo sa isip ko noon hahaaha.
lahat sila ay matatangkad simula sa kanyang Una hanggang sa bunsong kapatid..
ang kanilang angkan ay puro nagtatangkaran at AKO lang ang bukod tanging maliit flat 5 in height ..kase ako habang ang aking boyfriend ay 5'11.
maayos Naman akong pinakiharapan Ng kanyang ina at mga kapatid. agad ay uniluto nito ang dala naming french fries sya si charm ang pang Lima sa kanilang magkakapatid.
nang sumapit ang Gabi umuwi na ang kanyang ama galing sa construction isang higante sa laki ang kanyang ama walang pagtataka Kung kanino sila lahat nagmana.
tila isang interview ang aking pinasukan dahil habang nag kakape ang kanyang ama Panay ang tanong nito SA aking pinag Kaka abalahan sa buhay na normal lang Naman SA isang relasyon kapag bago pa lamang ito.
mabilis na lumipas ang buwan hanggang naging taon ang first monthsarry ay umabot Ng 7th year anniversarry ..pero bago umabot sa ika pito naming anibersaryo marami munang pagsubok ang aming pinag daanan.. 3 years na kaming mag Ka live in ngunit Hindi parin Kami nabibiyayaan Ng anak nang mga panahong iyon may iniinda nang karamdaman ang kanyang ina...nagdulot Ito Ng labis na pamamayat at panghihina. dahil sya ang nag iisang anak na lalaki Hindi maiaalis sa isip Ng kanyang mga kapatid na Siya ang paboritong anak Ng kanyang nanay. Hindi Rin Naman maikakaila Ito dahil si Ralf ang pinaka malapit at bukod tanging nagmamano sa kanilang maga magulang bago umalis at kapag dumadating sya sa kanilang tahanan.
isang umaga tila akoy naalimpungatan sa aking naulinigang pag tangis, Dali daling bumaba si Ralf sa kanilang sala Kung saan nakahiga palagi si nanay, akoy tila kinabahan mabilis akong bumangon at nag suklay pagbaba ko sa sala naroon si tatay at ang kanyang ate na umiiyak habang nakaupo sa sahig, ang kanyang ama naman ay nakaupo sa bandang ulunan ni nanay habang himas nito ang kanyang buhok ..habang ang aking Ka live in na si Ralf ay hawak ang kamay Ng kanyang nanay na noon ay nag aagaw buhay na ..ang araw pa namang iyon ay matagal na nilang pinag hahandaan dahil naka schedule si nanay SA isang ospital sa maynila.ngunit sino ba Naman ang mag aakala na ang araw mismong iyon ay ang araw na kukunin na sya sa Amin Ng panginoon.
May 2018 nang pumanaw si nanay.. ramdam ko ang pighati na pinagdadaanan Ng aking Mahal na si Ralf ...maging ako ay napamahal narin SA kanyang nanay.dati rati kase madalas kodin sya naka bonding manood Ng mga drama sa hapon ,madalas kodin sya bunutan Ng puti sa buhok pampaantok nya pag tanghali,
madalas kodin sya pahiran Ng katinko sa kanyang likuran..Kaya Hindi maiwasan na napamahal at ituring Kong sariling magulang ang kanyang ina .pag lipas Ng isang buwan June 2018 nang ako ay mag dalang Tao sa aming unang anak labis at Hindi maipaliwanag ang kasiyahan marahil totoo ang Kasabihan na kapag may nawala ay may dadating din. mag hapon ako sa mall nung araw na bumili ako Ng dalawang mamahaling pregnancy test upang makatiyak SA magiging resulta.
nagpunta ako SA CR Ng mall at doon bumuhos ang luha Ng kagalakan nang aking Makita ang dalawang linya na kahit medyo Malabo ay nagpapatunay na ako ay nag dadalang Tao.
agad akong umakyat sa department store upang ibalita sa aking mga kaibigan Doon ang magandang balita dahil pa nga sa sobrang kagalakan ay nanlibre pa sa isang fast food ang aking kaibigan na si Tiffany ..masaya kaming kumakain at nag take Ng picture nang matapos na Kami kumain agad nako nagpasundo sa aking kasintahan na si Ralf Hindi KO muna sinabi sa kanya ang magandang balita . nais ko kase siyang sorpresahin kapag NASA kwarto na kami .