Bahagya kong natulak si Kino nang muling kumatok si Mama. Akala ko ba mamaya pa sila uuwi? Bakit nandito agad? Nataranta na ako nang sunod-sunod na ang pagkatok ni Mama kaya hinatak ko ang kamay ng kasama ko papasok ulit sa akin walking closet. I heard him chuckled as soon as he got there. "Huwag kang maingay." Bulong ko sa kanya at bago ko isarado, mabilis ko siyang hinalikan sa labi na ikinangiti niya. "I love you, baby." Nakahinga ako ng maluwag. "Gising na po, Ma! Bababa rin po agad ako pagkatapos kong maligo." "Sige anak nang makapag-almusal na tayo. Iinom ka pa ng gamot mo." Aniya at naikot ang mata. Pinaka-iiwasan ko pa naman ay ang lumaklak ng gamot. Nang maramdaman ko ang yabag nila pababa, binuksan ko ulit ang walk-in closet at gaya kanina, hinatak ko ang kamay ni Kino palab

