Mabuti na lang talaga at natakasan ko siya sa oras na iyon kasi nakakahiya iyong nangyari. Pakiramdam ko alam niya na gusto ko pa. Ella! Nakakahiya ka! Nandito kami ngayon sa loob ng room, tahimik na nakikinig sa diskusyon nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa. Patago 'kong nilabas iyon at chineck. It was Kean saying na hindi niya ako maihahatid mamaya since may practice daw sila. "It's okay, lalabas din naman kami mamaya to buy my things." I replied to his text. Hindi na siya nagreply. Binalik ko nalang din sa bulsa ko ang selpon. "How much is your iPhone 15?" Napatingin ako kay Gel na bumubulong. "I don't know, hindi ako ang bumili." Sagot ko at itinuon muli ang atensyon sa harap. "After buying your things, punta tayo apple store, okay?" I gave him an okay sign, sunod

