Hahalikan na sana ako ni Kino nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at niluwal no'n si Angel, ang binabae'ng SSG president ng university. Nandito kami ngayon sa isang sa mga room ng engineering student na tingin ko naman ay hindi pinagk-klasehan dahil kulang sa upuan at table. Mahina kong hinampas si Kino dahil sa talim ng tingin niya rito na tila mangangain ng buhay. Hindi ko rin naman siya masisi kasi hindi kumatok ang baklang 'to. Hilaw kong nginitian si Angel at nahagip ng mata ko kung paano suklayin ng katabi ko ang kanyang buhok, frustated kasi nabitin na naman. "Hi, sorry for interrupting guys. I-a-anounce 'ko lang na kasali kayo sa festival na magaganap this coming saturday. Sports fest event and another good news pa, si Kino na ang magiging captain ball ng school which me

