Ella's POV Nakayuko akong pumasok sa kotse ni Yohan at hindi nagawang tingnan pa ang mga kaibigan ko lalo na si Kino. Pinanindigan ko lang naman ang pagpapanggap namin para hindi na mas kumomplikado ang lahat. Nang maramdaman kong nakasakay na si Yohan, hindi na ako umimik pa at inabala na lang ang sarili sa pagtitipa sa aking phone. As I was about to text Kino nang makatanggap ako ng mensahe galing sa kanya. Kino: You're pretending, right? :( Magtitipa sana ulit ako nang makatanggap na naman ako ng panibago galing sa kanya. Kino: You're choosing me, baby? Hm? :( Palihim akong napangiti sa mga text niya. Iyong kaninang lungkot na nararamdaman ko ay napawi. Gusto ko siyang makita tapos ganitong emoticon ang ipapakita niya sa akin. Napatingin ako sa unahan nang biglang tumigil ang

